❅️ Chapter 51

82 7 0
                                    

Yesa's POV

Wala naman akong interes sumabay sa mga activity. Hindi sa bored ako, hindi ko lang talaga trip. Nakikisabay na lang ako sa kung anong pagawin sa'kin.

Mapuno ang lugar na ito at marami ding halaman. Ang masarap gawin ngayon ay humilata at matulog. Tanghali nang makarating kami dito at ang mga baon naming pagkain ay kinain na namin. Ibig sabihin lang niyan ay mamayang gabi, kami mismo ang gagawa ng sarili naming pagkain. Tch. Isa nanamang activity.

Pinagtayo na din kami ng tent namin. Sila ang nagtayo, kumain lang ako buong oras. Nang matapos sila ay pinasok na namin ang mga gamit sa loob. Tinawag na din kami ng teacher namin para sa isa nanamang kalokohan.

Ewan ko ba kung bakit enjoy na enjoy sila Lynn, dengue ang makukuha ko dito eh. Namomroblema na din ako kung saan maghihilamos mamaya, wala akong nakikitang banyo.

"Oh." Inabot sa'kin ni Lynn ang mga buto.

"Aanhin ko 'yan?" Iritado kong sagot.

"Di ka nakikinig? Pupunta tayo doooooon at magtatanim."

What the fuck.

Kinuha ko na lang ang mga buto. Nagsipaglakad na ang mga students kaya sumunod na kami. Habang naglalakad ay nagle-lecture pa si ma'am.

Nabuburyo na ako at sumasama na ang mood ko. Pinaiwan pa naman sa mga tents ang mga gadgets namin. Kahit man lang music pampakalma, wala ako.

"Tch." Nagtatanim na kami ngayon.

"Mabubuhay kaya 'yan?" Salubong ang kilay kong nilingon ang nagsalita. Si Ryu.

"Mabubuhay toh. Papatayin ko ito kapag hindi siya nabubay!"

"Ha??" Napaisip siya. Ako din napaisip sa sinabi ko. "HAHAHAHAHA!"

Sige tawa. Kung hindi ka lang pogi kanina pa kita pinalamun ng lupa.

Oh my gosh, Yesa!!

Si Ryu 'yan. Tch. Anu bang nangyayari sa'kin.

"Hindi ganyan." Tinanggal niya ang kamay ko mula sa marahas na pagbubungkal. "May buhay din ang mga halaman. Kailangan mong maging maalaga sa kanila. Iyong iba nga ay kinakausap pa sila."

"Anong sagot ng mga halaman?"

"Eh? HAHAHAHA!" Tinap niya ang braso ko pero hindi ako natuwa...

"Pinanghawak mo sa lupa ang kamay mo..."

"Ayy! Sorry. Sorry."

Iyong totoo, sinadya niya ata.

"Here." Binigyan niya ako ng panyo.

Napatitig lang ako sa panyo, inaalala ang unang beses ko siyang makita. Nag-iwan siya ng panyo para sa'kin dahil napaaway ako. Tumutulo ang dugo galing sa ilong ko noong panahon na 'yun. Pero naaalala pa kaya niya?

"Hindi na." Pinagpagan ko na lang ang balikat ko. "Madudumihan ang panyo mo. Magpapalit naman tayo ng damit mamaya."

Tumayo na ako para lumipat sa kabila at doon naman maglaro ng lupa. Oo, mas mukha akong naglalaro ng lupa kaysa nagtatanim. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit?"

He didn't answer. Tinitigan niya lang ang kamay ko at hinimas himas iyon.

"Yesa."

"Hmm?"

Umawang ang bibig niya na parang may sasabihin pero itinikom niya din nang mag-angat sa'kin ng tingin. "Wala." He force a smile before letting me go.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon