❅️ Chapter 14

109 5 1
                                    

Lynn's POV

DALAWANG ARAW! Ganyan katagal na noong huling beses kong nakitang nagsalita si Zion. Hindi talaga siya nagsasalita at tutok lang sa binabasa tuwing magkakasama kami. Si Yesa ay tahimik lang din pero sumasagot naman kapag tinanong namin.

Talo sa tsismisan ang mga ito.

Aware kaming tropa sa nangyari between Zion, Yesa and Amber. Paano ba naman kasi, kalat sa school ang pagtatalo ng dalawa. Pero hindi alam ng lahat kung bakit sila nagtatalo at kung bakit pinipilit ibigay ni Yesa ang bulaklak kay Amber. Kung ako ang nasa katayuan ni Yesa, bilang matalik na kaibigan ni Zion ay ibibigay ko din kay Amber ang bulaklak. Pero kung ganoon ang magiging trato ni Amber sa akin, naku papatulan ko din talaga iyon!

May sayad talaga siguro si Amber. Noong isang linggo ay pinipilit niya si Zion na magkabalikan sila, tapos ngayong gumawa na ng hakbang si Zion ay gaganyan ganyan siya. Pero baka may rason din si Amber na hindi namin alam. Kasi ang sabi ni Yesa, tinapon na lang din ni Zion ang bulaklak na parang wala lang. Imagine, pinaglaban ni Yesa ang bulaklak tapos balewala din pala kay Zion.

"Hayy, ang gulo! Ang gulo gulo!"

"Mukha nga.." sabi ni Ryu habang ngumunguya ng chips sa harap ko. "Paanong hindi ka maguguluhan? Eh nagsasagot ka sa math tapos ang tingin mo nasa akin. Gwapong gwapo?"

"Letse! Malay ko bang nakatingin ako sa'yo! May iniisip ako noh. Saka huwag ka ngang GGSS!" Pagtataray ko. Nasa canteen kami ngayon.

"GGSS? Gwapong Gwapo Sila Sa'kin?"

"Ewan ko sa'yo, Ryu! Mas ginugulo mo ang utak ko. Nahawa ka na ba sa kayabangan ng kaibigan mong si Daren?"

"Hahahaha! Hindi naman. Pinapatawa lang kita, kanina ka pa kasi tulala sa mukha ko."

"May iniisip nga ako! Hindi kita tinitingnan! Assumerong toh." Kinuha ko na ang gamit. "Makaalis na nga."

"Babalik na tayo agad?"

Maaga pa kasi kaya napagdesisyunan naming pumunta muna sa canteen at tapusin ang assignment ko.

"Oo! At baka maloka ako kapag na late tayo kay ma'am Vera."

Baka hindi lang kita mabasagan ng itlog. Baka pati sarili mong itlog ay mabasag ko sa inis.

Hay! Anu ba itong inisiip ko! Baka bukas makalawa ay paglamayan na ako dahil sa iniisip ko. Yari talaga ako kay Yesa nito. Hindi magkakaanak sina Yesa at Ryu kung babasagan ko ng itlog si Ryu. Ok, erase erase!

"Ang duga niyo! Lumabas kayo tapos naiwan ako dito." Salubong sa amin ni Ruby.

"Wala ka pa naman nung umalis kami." Paliwanag ni Ryu.

"Saka hindi ka mag-isa, nandiyan sina Yesa at Zion."

"Hmmp! Ang hirap nilang kausapin. Pinipilit ko silang kausapin pero magtitinginan lang sila sa mata na parang sila lang ang nagkakaintindihan. Sobrang hirap kaya!"

"Ano bang sinasabi mo sa kanila?" Tanong ko kay Ruby.

"Anung brand ng panty at brief nila. Ilang lamok ang nakatikim na sa kanila. Kung nakatikim na ba sila ng pritong sabaw. Tinanong ko din sila kung nasubukan na nilang magpaa."

"Anung magpaa?" Sabay naming tanong ni Ryu.

"Magpaa. Kumain gamit ang paa."

"Yuck!" Sigaw ko. Humalakhak naman si Ryu.

"Talagang hindi ka kakausapin ng mga 'yan." Saad ni Ryu at nagtawanan na lang kami.

Nasubukan na kayang magpatingin ni Ruby sa doktor sa utak? De bale na. Baka sadyang ganyan lang siya mag-isip.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon