❅️ Chapter 19

104 6 0
                                    

Lynn' POV

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tumango si Yesa sa tanong ko.

Lunes na lunes ay ang tamlay niyang tingnan. May quiz pa naman kami kay ma'am Vera ngayon.

"Yesa, huwag kang panghinaan ng loob mangongopya pa ako sa'yo!" Aniya Ruby.

"Hahahaha!"

"Sira ka talaga." Sabay naming sabi ni Ryu. "Kay Zion na lang ako mangongopya. Oppa Zion, pakopya ako mamaya!"

"Oppakan kita." Seryosong aniya.

Sungit.

"Mga wala ba kayo sa mood?"

"M-Masama lang pakiramdam ko." Sagot ni Yesa kay Ryu.

Lumapit si Ryu at nilapat ang likod ng palad niya sa noo ni Yesa. Ginawa ko din ang ginawa niya, ang init ni Yesa!

"Hoy gaga ka! May lagnat ka pala bakit pumasok ka pa?"

"Tss. Nung sabado pa ako nilalagnat, kinaya ko naman."

"Ang tigas talaga ng ulo mo." Natigilan na ako sa pagsasalita. Pumasok na si ma'am kaya nagsibalikan na kami sa upuan.

"Iiwanan ko kayo sandali. Kapag may narinig akong nagkokopyahan sa inyo ay malalagot talaga sa akin. Pass the questionnaire and start answering." Lumabas agad si ma'am habang kumekembot pa na parang bibe.

Ilang sandali pa ay bumagsak ang ulo ni Yesa sa upuan. Kinabahan ako kaya niyugyog ko siya ng niyugyog.

"Yesa? Yesa, ayos ka lang ba?! Yesaaaa!"

"Anu ba't nagsisisigaw ka?" Biglang umangat ang ulo niya.

"Akala ko kasi napano kana."

"Natutulog ako."

"Magsagot ka muna."

"Tapos na." Muli siyang yumuko. Ang bilis niya naman?

"Pakopya na lang." Pagbibiro ko.

Pero laking gulat ko ng iabot niya nga ang papel niya. Tuwang tuwa akong kinuha 'yun at kokopya na sana ng makita kung gaano kaganda ang sulat niya. Sa sobrang ganda ay parang doktor ang sulat at hindi ko na mabasa!

"Lintik na sulat toh. Huwag ka ng magpakopya."

"Hiyang hiya naman ako, kokopya na nga lang." Kinuha niya na muli ang papel niya.

Sinagutan ko na lang ng buong lakas ang mga tanong. Pakiramdam ko ay mabibiyak ang utak ko. Ayoko talaga ng Science! Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa ni Yesa at natapos siya agad. Siya na matalino!

"Grabe! First subject pa lang ay simot na energy ko." Saad ko pagkatapos ng Science.

"Try to review sometimes."

"Ang sakit naman ng sinabi mo, Zion. Para mo namang pinaparinig na hindi ako nag-aaral." Sabi ko pero bastos talaga kausap ito, hindi na sumagot.

"Ah basta, ga-graduate ako kahit anong kalokohan pa ang gawin ko."

Hindi ko inaasahang manggagaling kay Yesa ang mga salitang iyon. Ang babaeng ito ay makabuluhan ang sinasabi kapag may lagnat. Kung pwede lang sanang araw araw na siyang lagnatin.

"Hahaha! Ako din, lahat naman siguro tayo gusto makatapos." Saad ni Ryu. "Ga-graduate ako kahit mahirap ang buhay."

"Ga-graduate ako kahit tamad ako!" Pakikisali ko.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon