❅️ Chapter 55

81 7 0
                                    

Yesa's POV

"HAYY.." Buntong hininga ng tatay ko pagkasara niya ng pinto ng kotse.

Madilim na sa labas, hindi ko akalaing aabutin kami ng ganito katagal. Kinausap sandali ni lola ang tropa para pasalamatan saka siya pumasok sa kotse.

Kinawayan ako nila Ruby at Lynn. Nakatayo lang si Ryu habang nakapamulsa naman si Zion. Tch, panalo sana kami kung  sa amin kumampi si Zion.

"Kukunin namin ang ilang mahahalagang gamit niyo sa susunod na araw." Sabi ni Nicholas, ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Si Nicholas ang isa sa pinakamatagal na butler ng pamilya namin. Sa kanya din ako pinakamalapit. Siya lang naman kasi ang madalas kong makasama noong bata ako. Busy si lola, laging wala ang tatay namin at wala si Lannie. Si Nicholas ang kaagapay ko habang lumalaki ako. Malapit kami sa isat isa kaya Yesa lang ang tawag niya sa'kin habang Nicholas lang naman ang tawag ko sa kanya.

"Hindi kita nakita sa mansion noong nakaraang punta ko." Saad ko.

"Madalas akong nasa opisina niyo at kasama ng daddy mo. Lumalaki ka na Yesa, at tumatanda na ako." Ginulo niya ang buhok ko.

"Pshh. Hindi ka pa ba nag-aasawa? Magka-kwarenta ka na ah."

"Wala akong panahon sa ganung bagay. Hahahaha! Kayo na ang pamilya ko."

I pouted. "Ang sabihin mo, ni reject ka ng girlfriend mo dati."

"Hahahaha! Mahirap palitan ang ganun katibay na pag-ibig, kaya nagdesisyon akong tumandang binata."

Korni niya.

"Sana ay maging masaya ang pagbabalik mo." Sabi ni lola pero hindi nakatingin sa akin.

"Tss." Maninibago ako. "Bakit ba pinagpipilitan niyong ibalik ako?"

"Parte ka ng pamilya namin. Ang mga katulong ay araw araw na naroon, tapos ikaw na parte mismo ng pamilya ay wala?"

"I am not part of your family." I'm adopted.

"Anu bang pinagsasabi mo?" Sabat ng tatay namin.

"I know the truth. I, we are adopted." Sabi ko at sandaling nagulat si Yuki.

"Yesa.." saway ni Lannie.

"Tch." Pinikit ko na lang ang mata para matulog.

Hindi lang naman ako umalis sa bahay nila dahil gusto ko lang. Gusto ko ding mahanap ang pamilya ko. I want to meet them. Nakatulog nga ako makalipas ang ilang sandali.

❅️❅️❅️

"Kaliwa. Kaliwa. Kanan! Yahh!" Sigaw ni Nicholas nang sipain ko siya gamit ang kanang paa ko. "Ang galing mo, miss Yesa."

"Hihihihi!" Hagikhik ko at yinakap ang butler sa binti niya. "Nicholas! Papakita ko kay daddy ang sipa ko! Ganito.. Yahh!" Sinipa ko ang paa sa ere.

"Hahahaha! Go on, young master. Mag-aantay ako sa'yo dito."

"Mm!" Pagtango ko at buong ngiti na tumakbo patungo sa opisina ni daddy. Nakasalubong ko pa si kuya Yuki at Amber na nagkukwentuhan sa hall way.

"Yesa, mag hinay hinay ka at baka makabasag ka." Pagpigil ni kuya Yuki.

"Kuya Yuki, Kuya Yuki!!"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon