❅️ Chapter 43

85 5 0
                                    

Zion's POV

"Salamat, Yeriko." Tinanguhan ko ang teacher namin sa math. "Siya nga pala, napapadalas kitang nakikitang ngumingiti ah. Natutuwa akong nakahanap ka na din ng mga kaibigan. Akala ko talaga noon ay matatapos ang taon mo sa high school nang nag-iisa. Hahahaha.."

Nginitian ko lang si ma'am ng tipid. "Mauna na po ako."

"Sige sige.. Ingat ka."

Lumabas na ako ng faculty room at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Didiretso na sana ako sa gate dahil ang usapan namin ni Amber ay magkita na lang kami doon. But I stop when I heard something.

"Nasusunog ang building ng third year!"

"Hala! May tao pa kaya dun?"

"Tabi tabi!! Paraanin niyo ako!" Boses iyon ni Enzo.

Si Yesa!

Natagpuan ko ang sariling tumatakbo na din at nakikisiksik sa kumpulan ng mga tao para lang makararing sa building namin. Si Enzo ay natatanaw ko sa di kalayuan na sumisiksik sa mga tao, makarating lang sa building.

Natigilan ako at nagulantang nang makarating sa harap ng building. Nag-aapoy ang parte kung saan naroon ang hagdan. Katabi ng hagdan ay ang room namin kayat sigurado akong delikado na doon.

"Alis! Stay back!! Stay back!!" Pagsisigaw ni Enzo.

Nakapasok siya sa building pero nang subukan kong sumunod ay hinarangan ako. May isa pa akong daan na naiisip. Hindi ako makukuntento hanggat hindi ko nasisigurong ligtas nga si Yesa at kung naroon pa ang mga kaibigan namin.

Ang tanga namang guwardiya ni Enzo.

I run towards the back of the building. Iyong lugar kung sana madalas pumunta si Yesa tuwing gustong magmukmok. Mga bintana ang naroon at sigurado naman akong makakaakyat ako dahil sa matatayog na puno.

Napaangat ako ng tingin, mas kumapal ang usok. Agad akong umakyat sa pinakamalapit na puno sa bintana. Madali lang para sa akin iyon, baka nga maunahan ko pa si Enzo dahil mahirap ng makadaan sa hagdan. Hindi rin maaasahan ang nangangalawang na fire exit sa dulo dahil may mga nagbagsakan na parte na humaharang sa pinto.

Dead end.

Kumapit ako sa bintana at pinilit buksan iyon. Pero kusa na itong bumukas at sumilay ang umuubo ubong mukha ni Yesa.

"Yesa!"

Saka niya lang ako napansin. Ang gulo na ng itsura niya.

"Zion.."

"Tara dito." inilahad ko ang kamay habang ang isa kong kamay ay nakakapit sa puno.

Inabot niya ang kamay ko pero parang nagdalawang isip pa siya. Humahangos siyang kumapit sa akin. Buong lakas ko naman siyang inilipat sa punong kinauupuan ko. Gamit ang balanse sa binti, ang kanang kamay ko ang hawak ni Yesa at ang isa kong kamay ay pinaghawak ko sa bewang niya para alalayan siya. Nakatawid naman siya agad sa puno.

Hinahabol niya ang hiningang sinandal ang ulo sa dibdib ko. Pinagpapawisan na din ako dahil sa init galing sa apoy at sa kamay naming magkahawak.

"Delikado kung mags-stay tayo dito. Maaring lumipat ang apoy sa puno." Saad ko. Hindi ko na kasi kayang matagalan ang kamay naming magkahawak.

Tumango siya at dahan dahang bumaba ng puno. Sumunod na din ako. Pero pagkababa ko ay mabilis siyang tumakbo palayo. Hindi marunong mang-antay.

"Wait."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon