❅️ Chapter 16

112 6 0
                                    

I am trying to update faster.
Sorry sa mga errors sa last chapters and sa mga darating pang chapters. ✌️

Ryu's POV

"One cup of cappuccino, sir." Nilapag ko ang order ng isang lalaki sa table niya.

I am Ryu Villamor. Pang bigatin daw ang pangalan ko pero ang totoo ay isa lamang akong simpleng tao. Maraming naiinggit sa akin. They say I am a good looking child, smart, industrious and very good man. Girls look at me as a perfect guy, but I am not.

Pangalawa ako sa aming anim na magkakapatid. Ang ate ko na panganay sa amin ay nabuntis noong nakaraang taon. Ang sumunod na sakin ay basagulero at hindi inaayos ang pag-aaral. Ang dalawa ko pang kapatid ay nasa elementarya pa lang habang maliit pa ang bunso namin. A big unhappy family. Minsan lang umuwi ang tatay namin habang hirap naman sa trabaho ang nanay namin. Dahil nabuntis ang ate ko, kailangan niyang magtrabaho para makatulong sa gastusin. Pero hindi pa din sapat dahil minsan nga lang umuwi ang tatay namin. Kaya para makatulong sa nanay at ate ko, kumuha ako ng part time job.

"Nice seeing you here." Tatalikod na sana ako pero nagsalita ang lalaking inabutan ko ng order.

"Sir?" Tanong ko.

Natatakpan ng libro ang mukha niya kaya't hindi ko masilip. Bigla akong kinabahan, ayokong may makaalam na kaklase ko o school mate na nagtatrabaho ako. Hindi ko alam pero nahihiya akong ipaalam. Sana ay hindi isa sa mga kaklase ko.

Binaba niya ang libro at sumilay ang maganda niyang ngiti. I know him. Siya iyong kaibigan ni Yesa na kasama niya sa mall dati. Nakahinga ako ng maluwag.

"Ah, hello. Sorry hindi kita namukhaan kanina." Paliwanag ko.

"No no. It's okay. Have a seat."

"Sorry, nasa trabaho pa ako." Nahihiya kong tugon.

"Ow, I see. Pakitawag ang manager mo."

Ilang sandali ko siyang tiningnan bago sumunod. Iritadong lumapit ang manager namin sa kanya. May nagawa ba akong mali? Ayokong matanggal sa trabaho.

"Yes sir?" Tanong ng manager namin kay Yuki.

"Gusto ko siyang makasama ngayon."

"Pero nasa duty-" natigilan ang manager namin nang maglabas ng envelope si Yuki.

Kinuha iyon ng manager ko at sinilip. Nanlaki ang mata niyang binalik ang tingin kay Yuki. Si Yuki naman ay humigop sa cappuccino niya at binuklat muli ang libro.

"Can you leave us now?"

"Yes, sir!" Bumalik na sa loob ang manager.

Sinenyasan ako ni Yuki na maupo. Binaba niya bigla ang libro at nilapit ang mukha sa akin na kinagulat ko. Yesa have a really weird friend.

"Binayaran mo ang manager ko para makasama ako?"

"Yes."

"Hindi patas 'yun sa ibang katrabaho ko na nagtatrabaho ng maayos." Pag-angal ko.

"Patas 'yun, wala ka namang sahod eh." Sumama ang mukha ko. "Biro lang."

"Hindi ito club na bibili ka ng babae at iuuwi."

"Huwag kang mag-alala hindi kita iuuwi lalong lalo na at hindi ka babae." Muling sumama ang mukha ko sa sinabi niya.

Hindi ako maniniwalang matalik na kaibigan siya ni Yesa.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon