❅️ Chapter 23

91 7 1
                                    

Natagalan ang update dahul nawalan ng internet ng ilang araw. Sorry and thank you sa paghihintay. ✌️💜


Yesa's POV

Diretso lang ang tingin ko kay Zion, walang kurap kurap. Dahil ang taong ito, kilala na ang pagkatao ko. Kung paano niya nalaman ay hindi na mahalaga sa akin.

"Anong alam mo?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay nginisian niya nanaman ako.

Kumuha siya ng maliit na kahoy at ibinato sa pinto. Bakal ang pinto kaya nagdulot iyon ng malakas na ingay. Ilang sandali pa..

"Yesa?!" Narinig ko ang boses nila.

Tumayo na ako at lumapit muli sa bintana. Tumalon ako doon at kinaway kaway ang kamay. Ako na pandak.

"Yesa!!" Boses ni Ruby. "Nandito sila!"

Kumalampag ang pinto. Umiwas naman ako doon dahil alam kong pinipilit nilang buksan ang pinto. Maya maya ay bumukas na iyon, si Ryu ang nakabukas. Mukhang pinagsisipa niya ang pinto o may ginamit siyang bagay. Dumiretso sa akin si Ryu at... yinakap ako?!!

Hindi ako nakagalaw sa higpit ng yakap niya. Dream come true ito! Whoooooo!! Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko.

Binitawan na ako ni Ryu. Inexamine niya ang mukha ko na parang tinitingnan kung may galos ako. Nang wala siyang makita kundi ang madungis kong mukha ay napangiti na lang siya.

"Ehem." Aniya Lynn na nagpabitaw kay Ryu.

Letche.

Hindi ko namalayan ang pagpasok nila Lynn at Ruby, maging ang paglabas ni Zion.

"Anong nangyari sa'yo?"

"M-Mahabang kwento." Sagot ko kay Ryu.

Inalalayan niya na ako palabas. Saktong kararating lang naman nila Amber at Daren. Si Daren ay sa'kin agad dumiretso. Nahihiya niyang inabot ang bag ko. Oo nga pala, sinagot ko siya kanina ng pabalang.

"Zion, where the hell have you been?"

"Hell." Sagot ni Zion sa kasintahan.

NAKAUWI na kaming lahat. Sa pagkakataong ito ay gamit ni Daren ang kotse niya sa paghatid sa'kin. Nakisabay na din si Lynn sa amin pero naka busangot ang mukha niya sa buong byahe. Bumaba na ako at walang sabi sabi na naglakad papunta sa pinto. Humabol naman si Daren sa akin. Si Lynn ay dumiretso na sa bahay nila.

"Hey, uh. Hatid din kita bukas papunta sa bahay nila Amber."

"Hindi na, alam ko ang bahay nila."

"Pero mas maganda pa ding may kasama ka."

Anu pa nga ba?

Biglaang bumukas ang pinto ng bahay. Lumabas si Lannie na may nakakalokong ngiti.

"Hi po. I'm Daren.. uhm, hinahatid ko lang po si Yesa."

"Nakikita ko nga."

"Daren si Lannie, m-mama ko." Nauutal kong sabi.

Bakit ang aga nanamang umuwi ni Lannie ngayon? Nakipagkamay si Daren kay Lannie.

"Ano at hinatid mo ang anak ko?"

"Nililigawan ko po siya, tita. Pasensya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo."

Bwesit!

"Ahh! Ganun ba? Gusto mo bang mag minandal na muna?"

"Hindi na po, mauuna na po ako. Salamat na lang po."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon