❅️ Chapter 31

81 5 0
                                    

Yesa's POV

DUMAAN ang huwebes biyernes at sabado. Naging abala kami ng mga nakaraang araw dahil sa paghahanda sa nalalapit na anniversary ng school. Si Felipe ay pumasok na din noong biyernes, himala lang dahil ang tahimik niya. Para niya din kaming iniiwasan. Mas mabuti na iyon kaysa magkagulo gulo na naman dahil sa kanya. Kasama namin siya sa booth B at ganoon pa dinang ugali niya sa iba naming kaklase. Pinabayaan ko na lang siya bastat wala siyang kinakanti sa mga kaibigan ko.

Hindi ko pa nakaka-usal si Lannie mula ng masaksihan ko ang pagtanggal sa kanya sa trabaho. Pero ganoon pa din ang uwi niya at halos hindi na talaga kami magkita. Nahihiya rin naman akong harapin siya. Kasalanan ko kung bakit siya naghihirap ngayon sa buhay. Pinagpipilitan ko kasng mamuhay dito.

Linggo ngayon kaya pupunta kaming mall ni Lynn tulad ng plano. Nakabihis na ako at inaantay ko na lang si Lynnsa na matapos.

"Pasensya ka na, ha. Matagal talagang kumilos si Lynn." Tinanguan ko ang mama ni Lynn.

"Okay lang po."

"Pagong! Kanina pa nag-aantay si ate Yesa!" Ngayon ko lang narinig na inate ako ni Gusy. Ang hindi ko pa inaasahan ay nang dumapo ang tingin niya sa'kin ay nginitian niya ako. Mukhang hindi na takot ang batang ito sa'kin.

"Tsee! Pababa na!"

Grabe sila magsigawan, hinding hindi ko kakayaning tumira kasama ang magkapatid na ito.

Bumaba na nga si Lynn, ayos na ayos siya. Finlip niya pa ang mahaba niyang buhok at bineletan ang kapatid. Hinila naman ni Gusy ang buhok ng ate niya sabay takbo pataas para hindi mahuli.

"Ay, punyeta! Nag-ayos ako ng buhok tapos sasabunutan mo lang ako?! Bumaba ka dito, Augustine!!"

"Anu ba iyang bunganga mo, Lenlen? Mag hunos dili ka, kababae mong tao."

"Sorry na, ma."

Nagpaalam na kami sa mama ni Lynn. Nag-abang kami ng jeep na masasakyan sa kabilang kanto. Kayang kaya kong lakarin ang mall at ginawa ko na iyon dati, pero hindi ngayon dahil may kasama akong maarte.

"Lenlen, pasuyo ng bayad ko."

Mabilis niya akong nilingon. "Nakiki-lenlen ka na din ah."

Akala ko ay Lynn lang ang nickname niya. Lenlen pala ang tawag sa kanya ng mama niya. Nasa loob na kami ng mall.

"Dito tayo." Lumiko kami tapos nag escalator pataas. "Kanina pa daw nandoon si Zion. Isang oras pa bago ang usapan nila ni Amber, napaka aga naman niya!"

"Baka excited." Sabi ko na lang.

Naupo kami sa isang mahabang upuan sa gitna. Maraming mga nakatambay dito. Tinuto ni Lynn ang tapat na kainan, tiningnan ko iyon at nakita si Zion. Nagtama ang tingin namin pero umiwas din naman siya.

"Nagchat siya." Binalik ko na ang tingin kay Lynn. "Salamat daw. Ano daw gagawin niya pagdating ni Amber mamaya."

"Tanungin niya kung may bibilhin ba si Amber, kung wala edi yayain niyang mag sine." Suhestiyon ko.

"Okay!"

Tumahimik siya sandali. Para kaming stalker dahil sa gagawin namin. Kung bakit naman kasi ang hina ng loob ni Zion, eh naging girlfriend niya na rin naman si Amber. People change nga naman.. Sino kaya ang nagbago at parang may pader sa pagitan nila? Si Zion kaya o si Amber?

"Mamaya pa daw si Amber, laro daw muna kayo."

"Laro ng alin?"

"ML daw."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon