❅️ Chapter 57

81 6 1
                                    

Yesa's POV

FRIDAY ngayon pero nandito si Lynn at Ruby sa mansion para sa ginagawa naming reporting para sa English. Dalawang oras ang nakalipas at natapos na din kami. Nag-unat unat muna ako dahil nangalay ang braso ko.

"Grabe itong kwarto mo, Yesa. Walang sinabi ang bahay namin." Aniya ni Lynn. Ayoko pa naman sa lahat ay pinapansin ang mga ganitong bagay.

"Pero para ka ding nagtayo ng sarili mong bahay sa loobng mansion mo." Tama si Ruby. "Tignan mo Lynn, may ref siya doon at mesa. Iyong parteng iyon ay parang sala dahil may tv at couch."

"Oo nga 'no.." ngayon lang napansin ni Lynn.

"Sinadya ko iyan dahil ayokong sumabay sa kanila sa pagkain. Hindi rin ako lumalabas ng kwarto." Saad ko.

"Ay wow. Eh paano ang pagkain mo?"

"Kung ayaw nila akong dalhan ng pagkain, edi bibili ako sa labas."

"Ikaw na nga ang kakilala kong may pinakamatigas na ulo." Napangisi na lang ako sa sinabi ni Lynn. "May juice ka ba dito?"

First time ni Lynn makapasok sa mansion kaya panay ang kakakalikot. Binuksan niya ang mini-ref ko sa kwarto at kinuha ang chocolate drink ko.

"Huwag kong uubusin."

"Mayaman ka naman eh!" At nilaklak niya na nga.

Hindi siya aware na sariling pera ko ang pinambili ko diyan..

KNOCK**KNOCK

Si Jane iyon. Nagsabi akong siya ang maging personal maid ko. Gusto kong nakikita kung paano siya natataranta sa harap ko.

"Pasok." Sabi ko. Nakayukong pumasok si Jane, pero hindi niya dalaa ang hapunan ko.

"M-Miss Yesa, inanyahan kayo ng daddy niyo na sumabay sa kanila sa hapunan."

"Ayoko." Diretsong sagot ko.

"Pero miss Yesa.. ako ang malalagot."

"So?" Pagsagot ko uli.

"Yesa, kawawa naman siya." Hinaing ni Ruby.

"Hi." Nilapitan siya ni Lynn. "Kawawa ka naman. Pinagtitripan ka ng brat mong amo."

"Iyong totoo, sinong kaibigan mo sa amin?" Bulong ko.

"Sasabay iyan si Yesa. Diba Yesa?"

"Hindi." Sagot ko pa din.

"Ang tigas talaga!"

"Mas masarap kumain kapag sama sama. Sige ka, hindi mo maeenjoy ang ulam mo." Pananakot ni Ruby. Hindi ko siya sinagot. "Sige ka, uubusin namin chocolate mo."

Napatayo na ako. Hindi pwedeng galawin ang mga tsokolate ko. Hindi ko akalaing mapapasunod ako ni Ruby.

"Tch. Tara na, madilim na din kaya ihahatid ko kayo sa gate."

"Okie." Parang batang tugon ni Ruby.

Kinuha na nila ang bags nila at sabay sabay kaming lumabas ng kwarto. Nasa hallway kami at naglalakad.

"Nakita na ba kita dati?" Tanong ni Ruby sa katulong.

"Siya din ang maid na nakaharap mo noong unang punta mo dito." Saad ko at napa-ahh si Ruby.

"Ang duga, kilala mo siya? Ate, anu name mo?" Pagsingit ni Lynn.

"Jane po. Mag-iisang taon na ako ditong nagtatrabaho."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon