❅️ Chapter 4

162 5 0
                                    

Yesa's POV

Nakasimangot kong nilukot ang papel sa mesa. Binato ko iyon sa basurahan at shoot naman iyon. Ngayon ay nakabusangot na lang akong nakatingin sa kawalan.

May lakad ako ngayon. Mag handa ka na lang ng makakain mo. Huwag papahuli sa pagpasok.

-Mama

"Hayyy!" Ginulo ko ang buhok kong magulo na. "Kailan ba niya maiintindihan na hindi ako marunong magluto!"

Kapag nasa bahay talaga ako hilig kong kausapin ang sarili. Humahaba din ang mga nasasabi ko. Siguro ay nababaliw na ako?

Gabi na ng umuwi si Lannie kahapon. Dahil hindi ako marumong magluto ay bumili ako sa fast food at mabilis iyong kinain. Fast food nga diba? Mabilis ko iyong kinain dahil baka maabutan niya akong hindi naman talaga nagluto. Alam kong alam naman niyang hindi ako marunong magluto pero hinahayaan niya pa din akong walang makain.

Inis akong naghanda ng sarili. Tahimik sa bahay dahil madalas talagang mag-isa lang ako. Pero mukhang magugulo ang tahimik kong mundo ngayon, may bagong lipat na kapitbahay na sobrang ingay. Dahil sa kanila ay napilitan akong bumangon ng maaga. Ang ingay kasing magkarga ng mga gamit at panay ang sigawan.

Lumabas na ako at ni lock ang pinto. Dahil kay Lannie ay papasok akong gutom. Sanay na akong tinatawag siya sa pangalan niya. Wala din naman akong kinilalang mama noong bata ako at biglaan ang pagsulpot niya kaya hindi pa ako sanay na tawagin siyang mama. Dati rin kasi ay malaya kong natatawag ang mga tauhan sa bahay sa pangalan lamang nila kahit na mas matatanda sila. Mahabang kwento at tamad akong magkwento. Tch.

"Si Yesa! Gilid tayo."

"Tumabi kayo, dadaan ang sakuna."

"Ang lamig ng mga mata niya.."

"At nakakatakot."

Tulad ng dati, walang emosyon akong pumasok sa eskwela. Nagsigilid ang mga estudyante para magbigay daan sa kinatatakutan nilang babae dito. Sobra sila kung matakot sa akin hindi naman ako nangangagat. Tahimik lang talaga ako.

"S-Sorry!" Nabangga ako ng isang babae.

Nagmadali itong umalis sa harap ko at sinundan ko lang siya ng tingin. Dumako ang tingin ko sa isang grupo ng mga estudyante na nakatingin sa akin. Mabilis silang nag-iwas ng tingin. Bumuntong hininga na lang ako.

Kahit papaano ay nagpapasalamat akong hindi takot sa akin si Ryu.

Paghakbang ko ay may naapakan ako, isang ID. Ang babaeng nakabunggo sa akin ang nagmamay-ari nun. Ibinulsa ko ito, mamaya ko na lang ibabalik dahil baka mahuli ako sa klase. Papasok na sana ako ng silid nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Nag-away nga kayo?" Tanong ni Ryu.

"Hindi ah. Trip ko lang mag-inarte!" Sagot naman ni Lynn.

"Maniwala ka sa akin, kaibigan ang turing niya sa'yo. Kilala mo naman si Yesa, talagang itatanggi niyang may kaibigan siya."

"Ewan ko sa kanya! Basagan ko ng itlog crush niya para mainis siya."

"Sino ba crush niya?"

Sandaling natahimik si Lynn. Ngumisi naman ako kahit hindi nila nakikita.

"Kilala ko?" Muling tanong ni Ryu.

Mismo.

"O-Oo."

"Gwapo?"

Sobra.

"S-Siguro..?"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon