❅️ Chapter 56

85 5 1
                                    

Rico's POV

Umikot ikot ako sa swivel chair habang kagat kagat ang dulo ng ballpen ko. Kalahating oras na akong nag-iisip ng ganito—Hindi, isang linggo na pala.

"Coffee?" Pumasok si Jane na may dalang isang tasa ng kape.

Si Jane. She's still young but she have an amazing brain. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpanggap na parang ibang tao sa harap ni Yesa.

"Still thinking about the case?" She ask and sit beside me.

"Yup." Napipilitan kong sagot. Nakakahiyang aminin dahil mas matalas pa ang utak niya kaysa sa aking papa niya.

"I can help you—"

"No, Jane. Stop playing detective. Let me handle this case."

"Pshh. Kung hindi pa ako magbibigag ng informations, hindi ka makakarating sa parteng 'yan."

"Madali lang sa'yo na magbigay ng inpormasyon dahil malapit ka sa pamilya ng Tadashi. Pero kapag nalaman nilang ikaw ang naglalabas ng inpormasyon ukol kay X, mayayare ka talaga. " pananakot ko.

"Come on, dad. Imposibleng malaman nila na ako iyon, unless sabihin ko ng diretso."

Napailing iling na lang ako sabay buntong hininga. Hindi ko na kailangang sabihan siya na mag-ingat dahil alam niya na iyon.

"I have a new information.. Say 'please' if you want it." She smirk.

"Nope."

"Okay. Sasabihin ko din naman." Napailing na lang uli ako. "X has a costume."

"Niloloko mo ba ako? Anung tingin mo dito, kiddy show?"

"I am not, daddy. I am telling the truth." Sabagay, hindi gawain ni Jane na magloko sa mga ganitong bagay. "X is wearing a full white outfit and a mask. Puti din ang mask niya kaya mahirap makita ang mukha niya."

Kumuha siya ng papel at nagdrawing doon. Nakamaskarang tao, dalawang nakaitim na mukha at isang mukha ng tao na may X sa mukha.

"Ang focus ng lahat ay si X. Little did they know, he have accomplices."

"He? Sigurado ka na bang lalaki siya?"

"I do not speak when I'm not sure." Yes, that's her motto.

"The one with the mask is the real X. This one.." Tinuro niya ang isa sa nakaitim. ".. is his accomplice. I bet she's a girl."

"How do you say so?"

"The body feature. The acrobatic moves and also the way she walk. Babaeng babae."

Nagulat ako sa sinabi niya. So it means.. "Nakita mo na siya?"

"Yup, daddy. Siya ang tumulong kay Yesa noong gumugulong siya sa pababang lupa. Ito naman ay.. I think isang kapamilya ni X." Turo naman niya ngayon sa isa pang nakaitim. "Na kinakalaban niya ngayon at kinatatakutan niya."

Napangisi ako. "Alam na natin ang kinatatakutan ng kalaban kung ganun?"

"Yeah. The last one.." turo niya sa taong may X sa mukha. "I still don't know who he or she is. At iyon ang kinakabahala ko. Wala tayong clues kung sino siya kahit ang kasarian niya o edad. Ang alam lang natin ay siya ang nagpapanggap na X."

"And we still don't know kung talagang kakampe siya ni X." Sabi ko din

"What do you mean?"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon