TGF - 8

66 4 0
                                    

THE FIRST FEELINGS.

“Einny Lizares para konsehal po!” malawak na ngiting sabi ko sa isang matandang babaeng nasa harapan ko at siyang tumatanggap sa munting regalong inaabot namin sa mga kababayan namin. “Einny Lizares para konsehal po!” ulit ko naman nang isang matandang lalaki na ang nasa harapan ko.

“Maraming salamat po, Ma’am Kiara!”

“Ang ganda n’yo pala talaga sa personal, Ma’am!”

“Ma’am Kiara!”

“Ang ganda n’yo po!”

Sari-saring reaksiyon ang natanggap ko galing sa mga taong nasa malapit ko lang. Isa-isa ko silang nginitian at pinasalamatan na rin at hindi kinalimutang i-remind na iboto si Einny sa nalalapit na eleksiyon.

Nasa kalagitnaan na ng campaign season and here I am, helping my husband for his campaign. Naging abala na rin ako sa pagtulong sa pangangampanya. It literally drained my everyday energy but I must say it’s kind of a relief and it makes me sometimes happy. I sometimes help my family’s candidacy way back but iba pala talaga kapag husband mo ang naisasalang ‘di ba? Mas marami akong nakasalamuha, lalo na ang mga nasasakupan ng city namin. Marami akong nakilala, marami akong nakita, marami akong natulungan. Ang sarap ding pakinggan ang pasasalamat mula sa kanila.

Pero it never crossed my mind to run for an office. Oo, gusto kong tumulong pero hindi ko gusto ang government office and position. It’s chaotic than ever. Siguro dahil bata pa lang ay namulat na ako sa ganoong klaseng situwasiyon kaya inaayawan ko na ito ngayon, kaya inaayawan ko ang pagsama sa mga ganitong klaseng kampanya. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit gustong-gusto ni Einny na pumasok sa pulitika. Pero dahil isa akong supportive wife, I supported him all the way.

But I’m just doing this for my husband. Kasi mahal ko siya. Kasi ganito dapat ang isang mabuting asawa, tinutulungan ang kaniyang asawa sa lahat ng labang kinakaharap nito… kahit ako mismo ay ayoko ng ganito. Dahil, sabi nga ni Mommy, ito ang isang dapat na ginagawa ng babaeng mahal na mahal ang kaniyang asawa.

I’m so exhausted for all the bearings and errands that happened the whole day. From travelling to every sitios and barangays in our city, to interacting with other people, to speaking in front, to absorbing every problems and situations of every escalantehanons in our city. Lahat iyon naramdaman ko sa ilang linggong pagsama sa kampanya ng asawa ko. Kahit nakakapagod, kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ang ganitong klaseng gawain - interacting with other people - I must say, may hangganan ang kakayahan ko.

Minsan nga ay nasasakripisyo ko na ang oras na para dapat kay Colly at sa pag-aaral ko nang dahil sa pagtulong sa asawa ko. Pero lahat naman ng ito ay ginagawa ko para sa kaniya, para maipanalo niya ang labang ito. Kasi simula no’ng magpakita ako ng suporta sa publiko, simula nang magpakita ako sa lahat, marami na raw ang nagsasabing may chansa na ngayon si Einny na maipanalo ang election. Lahat ng atensiyon ay napunta na sa kaniya nang dahil daw sa akin.

Ayokong mag-assume pero siguro naman ay nangyari iyon dahil sa wakas ay nakita nilang puwedeng mabigyan ng chansa si Einny na pagsilbihan sila.

Pero masaya naman si Einny sa naging feedback ng mga tao sa kaniya. And that matters the most, ang makitang masaya ang asawa ko.

In few weeks time ay election na. Abala na ang lahat. Hindi na halos nalalagi si Einny sa manor. Paspasan na rin ang pagtatapos ng kampanya. Pinupuntahan na ang mga nalalabing sitio, purok, at barangay na hindi pa napupuntahan. Minsan pumupunta si Einny kasama ang ka-partido niya. Minsan naman ay kusa siyang pumupunta nang hindi kasama ang mga ka-partido niya.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon