TGF - 20

52 2 0
                                    

THE SECOND ELECTION.


We shared the same table with the Osmeña cousins. Hindi nga lang sa paraan na na-i-imagine ko before this day started. Ang in-imagine ko kasi ay mag-s-share ng table with them and will be filled with laughters kasi nag-isang pamilya na ang dalawang malalaking angkan.

Hindi ganito na parang dinaanan ng lamay sa sobrang tahimik, sobrang awkward. Tahimik din kaming kumain sa kaniya-kaniya naming pagkain. Kinausap na rin nina Tonton at Clee ang caterers and organizers na h-in-ire nila for this event na mag-pack up na sila since wala na rin namang kasal na naganap. They've instructed na i-pack na lang ang mga pagkain na hindi nagalaw kasi ipamimigay daw nila sa mga tao ang mga pagkain. As per instruction daw 'yan ni Senyora Auring.

The iconic Senyora Auring that has a heart for charities. That's why she founded the Project Aureliana charity organization because she has a heart for helping the needy.

So, anyways, back at it again...

"Have you heard? Kasama ngayon ni Ada si Decart?"

"Yep. We've heard from Einny. Is it... okay with you all? Knowing sa ginawang pagsigaw ni Kuya Deck kanina sa kaniya?"

Tonton's the only one speaking up from our side. As of now. He's normally conversing with them. Ang ibang kasamahan naman namin ay mukhang inabala ang mga sarili sa pagkaing nakahain sa kanilang harapan. I know their sentiments... hindi sila close sa mga Osmeña kaya ganito sila katahimik ngayon. Tanging ang Lizares brothers lang naman, from the side of the Lizares clan, ang malapit sa mga Osmeña.

"Wala na rin naman kaming nagawa. It's Ada's choice to comfort him of what happened. Hindi nga lang namin sinabi kina Tito Rey. For sure, 'yon, agad na pupuntahan si Ada at palalayuin kay Decart."

Nanatili akong tahimik, nakatingin sa pagkaing nasa harapan ko. Hindi ako makapagsalita. Ayokong magsalita. Kasi for sure kapag nabuksan ko itong bibig ko para magsalita, baka ang kalalabasan ay masisi ko si Tonette sa nangyayari ngayon. Sister-in-law ako ni Kuya Decart, obviously, idi-defend ko talaga ang kapatid ko.

Kahit pa sabihing si Kuya Decart lang naman talaga ang may gusto ng kasalang ito. At mas maliwanag pa sa sikat ng araw na si Kuya Decart lang ang nagmamahal sa pagmamahalang ito.

But they were known about arrange marriage. May gusto man sila o wala sa taong ipakakasal sa kanila, love or like shouldn't be a big deal on their side. Ganoon naman ang pamilya nila 'di ba?

Kaya bakit, Tonette? Bakit ka biglang tumakbo sa mismong araw ng kasal mo? I wanna know why. I badly want to know why.

"Hindi naman siguro nasira nang nangyari today ang friendship natin 'di ba?"

I was twirling with my pasta when Mikan spoke beside me. Magkatabi kami ngayon kaya dinig na dinig ko ang mahina niyang pagsasalita. Na mukhang sinadya niyang hinaan para ako lang ang makarinig.

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin at itinigil na ang ginagawa.

"Pinagsasabi mo r'yan, Mikan?"

"You look too preoccupied. Iniisip mo ba ang nangyari kanina sa simbahan? Or... is there something else that's bothering you?"

"No... I mean, I'm fine. Hindi ko lang mapigilan ang isipin kung anong rason ni Tonette para gawin 'yon kay Kuya Deck? Bakit nga ba nagawa ng pinsan mo 'yon, Mik?" lakas loob na tanong ko sa kaniya. Tuluyang naitigil ang ginagawang pag-kain.

I just lowered my voice para hindi na ako maka-catch ng ibang attention from the others. Mas mabuting kami muna ang mag-usap ni Mikan ngayon.

"We both know Tonette doesn't have any feelings for Decart. Decart's just pursuant to continue the wedding. And as for the tradition, Tonette's just following orders."

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon