EINSTEIN ALBERT L. LIZARES
"Ang galing sumayaw ng Nanay mo, 'no?" bulong ko sa anak ko sa kalagitnaan ng ingay ng paligid habang nakatingin lang sa stage, nakatingin sa nanay niya.
Grand rally ngayon ng Partido Pagbabago. Siya ang stand bearer ng partido nila. Magkalaban kami sa mayoral race. But I don't care. If I had known that she'll be running and if I just listened to the hearsay, at hindi ko lang pinairal ang kagustuhan kong maging Mayor ng ciudad na ito, I should have withdrawn the candidacy and let her win this time. Looking at her now, I am so proud of her. Tama nga ang sabi ni Mr. Emile sa akin dati... she was made to be in this world.
"No wonder maraming nagsasabi na maganda raw ang chemistry nila ni Tito Yohan sa pagsasayaw noon. Tama nga naman po pala sila."
Pabiro kong dinanggil ang balikat ng anak ko dahil sa sinabi niya. Dinaan ko pa sa tawa kahit sa kaloob-looban ko, umuusbong na naman ang selos pero hindi ko ipinakita, hindi ko pinahalata.
Bumalik ang tingin ko sa stage at muli siyang pinagmasdan. Ang saya-saya niyang tingnan. Simula no'ng umalis siya sa puder ko, napapansin kong naging mas masaya at malaya ulit siya. Para kong nakita ang sarili niya bago pa man ako pumasok sa buhay niya para guluhin ito. Napa-isip tuloy ako kung sa loob ng mga taon na nagkasama kaming dalawa, napagkaitan ko ba siya ng kasiyahan at kalayaan na noo'y ipinangako ko? Hindi ko ba talaga naibigay sa kaniya iyon para makita ngayon kung gaan siya ka-carefree sa buhay niya na wala na ako?
Habang nakatingin sa kaniya ngayon, hindi ko tuloy maiwasang maalala ang unang beses na makita ko siya. She's dancing too. Dancing gracefully.
Farrah and I were bestfriends since grade school. Katulad nina Deck and Ada, Tonton and Therence, Siggy and Madonna, Sonny and Justine. Katulad din nila ako na may sariling bestfriend. At ang napili kong maging kaibigan ay si Farrah.
One fine afternoon, on my first day of sembreak, she invited me to go to her school to watch an event daw. Dahil magkaiba na kami ng school pagtungtong namin ng high school, hindi na nakapagtataka na mas naunang nagka-sembreak ang La Salle kaysa sa local catholic school na pinapasukan niya ngayon.
Ang gusto ko sana ay mag-stay muna sa manor for the rest of the sembreak, magbasa ng libro, at ayusin ang ibang plants ni mommy. Pero nang matunugan ni Farrah na nandito na ako sa city namin, agad akong pinuntahan kanina sa manor at literal na kinaladkad para pumunta sa school nila.
"Stop frowning, Einny. Kaya nga kita dinala rito sa school namin para naman makapag-enjoy ka."
Lumingon ako sa kaniya matapos makahanap ng puwesto sa solidarity hall nila. Kahit paglingon ko sa kaniya, ang maamong mukha niya ang nakita ko, pinigilan ko pa rin ang sariling mangiti, mas lalong nag-poker face.
Umiwas na lang ako at hindi na sinagot ang sinabi ni Farrah. Iginala ko na lang ang tingin sa paligid to keep myself from smiling. Ayoko lang makita ni Farrah na napapangiti niya ako just by being at her side.
Iginala ko na ang tingin sa kabuuan ng solidarity hall ng school nila Farrah. Ang sabi niya sa akin kanina, may sports event daw ang school nila. Hindi ko lang talaga exaclty alam kung anong sports event iyon, basta ang alam ko, may event nga ngayon.
Asisde from some sports event, may cultural event din daw. At ito ang panonoorin namin ngayon, sabi niya kanina: competition ng dance sports.
I have no interest when it comes to extra-curricular activity hence with activities that deals with physical body. Mas may interest ako sa activities na ginagamit ang utak kaysa katawan. Kaya hindi na dapat akong nanonood nang ganito ngayon. Hindi nga ako nanonood ng ganito sa Tay Tung at La Salle noon, eh.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
Художественная прозаKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?