THE BREAKDOWN.
"It was, right, Kiara?"
I clenched my jaw, trying so hard not to cause a commotion kahit kaming dalawa lang dito sa opisina ko. At talagang inulit niya pa ang pagtatanong sa akin.
"Let's just forget everything behind us, Kiara. Everyone's happy na rin naman. Nagkabalikan na sila. Happy ending, right?"
Umupo siya sa chair sa tapat ng office table ko. I look down to him since nakatayo pa rin ako hanggang ngayon, pinipigilan ang emosyon.
"For sure naman na napag-aralan mo sa Psychology na it's possible to leave everything behind, right? Move on? Past is past, right?" dagdag pa na sabi niya. Sinamahan pa ng pagngisi.
Mas lalo lang akong nairita sa pagmumukha ni Krane ngayon. Inis na inis ako sa kaniya noong high school pa lang ako, eh. I even recalled na minsan ko nang tinawag na Kronos ang pinanggalingan ng name niyang Krane dahil ganoon siya kasama sa paningin ko. Sa kanilang magkakapatid siya naman talaga kasi ang may maitim na budhi. Ewan ko talaga kung saan nagmana ang lalaking ito. Minsan naiisip kong siya nga talaga siguro ang ampon ng mga Lizares, eh. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa kaniya nang malaman ko ang story behind the sensitive issue the Lizares had been through. Sinabi sa akin ni Einny 'yon. So I assume it's the truth.
Now that Krane mentioned it again... ewan, pinipigilan ko lang ang sarili kong mag-doubt ulit. The issue was long dead. Hindi na dapat napag-uusapan ang tungkol doon. Bawal nang pag-usapan ang tungkol doon. Kaya nga noong malaman ko from Sandi ang real reason niya kung bakit biglang hiniwalayan niya noon si Siggy ay never kong ini-spoke ito sa iba, tanging kay Siggy lang. Hindi ko naman kasi inaasahan na mami-mention ulit iyon after years and years of putting it into grave.
"But you know what, Kiara, sometimes the past need to look at too. Lalo na 'yong mga past na pilit bumabalik at pilit nagkakaroon ng papel sa present."
"Krane, you know what too, I'm busy. I don't have time with that kind of bullshits in life."
"Bullshit? Bullshit para sa 'yo ang pagbabalik ng nakaraan para guluhin ang kasalukuyan?"
My left brow shoot up on his remarks. Magulo siyang kausap kaya nga hindi ko siya maintindihan ngayon.
"May gusto ka bang sabihin sa akin, Krane?"
Krane pursed his lips into a grim line. Malalim ang naging pagtingin niya sa akin na animo'y sobrang seryoso ng mga tumatakbo sa isipan niya ngayon. Sobrang seryoso ng tingin niya na ako na mismo ang nag-iwas ng tingin kasi hindi ko makayanan ang pagka-seryoso nito.
"Ang dami, Kiara. Sobrang dami. Why don't we start on you and Yohan?"
"Past is past, sabi mo nga 'di ba, Krane Logan?"
"Pfft. Nice shot, huh? Counterattacking me with my own argument? Pero alam mo, curious lang talaga ako, eh... you two had a thing right? A deep one? Kaya nga curious na curious ako kung bakit ang pinsan ko ang pinakasalan mo instead of him, e, obvious namang mutual ang feelings n'yo with each other before?"
"Yohansson and I are good friends, Krane. Just like me and Mikan. Just like me and Sandreanna."
He chuckled as an answer.
"Okay, okay, I get it. You're not fond of going back to the past and mingling with it. E, bakit 'yong asawa mo ang hilig balikan ang nakaraan?"
Sa wakas ay naisipan kong maupo ulit sa swivel chair ko nang maramdaman at makita mismo ng mga mata ko na komportableng-komportable siya sa puwesto niya ngayon. And because that chair he's sitting is a revolving chair, kaya ayon... para siyang bata na nagpaikot-ikot ngayon sa kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
Ficção GeralKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?