TGF - 10

57 5 0
                                    

THE FIRST ELECTION.



Today is the election day. We ought to cast our votes today pero magkaiba kami ng venue ni Einny. Since hindi pala na-transfer ang residency ko kung saan located ang manor, nananatiling sa barangay kung saan ako dating nakatira ang voting residency ko.

Because of the past campaign period, naging kilala ako ng lahat - no, scratch that, naging mas kilala ako ng lahat. Naging expose ako sa crowd as Einny’s wife. Kaya nang makarating sa school kung saan located ang precinct room ko for voting, hindi na nakapagtataka na maibigay sa akin ang atensiyon ng mga ka-barangay ko, lalo na ‘yong mas matatanda sa akin.

Dati, sanay akong naibibigay sa akin ang atensiyon lalo na noong nag-aaral pa lang ako ng elementary and high school. Sanay ako kasi alam kong mga katulad ko lang din sila, students, same age range with mine, same perception and thinking as mine. Pero hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na ibinibigay ng mga mas matatanda sa akin, sa mga taong may sinasabi na sa buhay, sa mga taong mas maraming experience kaysa sa akin, sa mga taong mas unang ipinanganak sa akin, ang atensiyon nila. Feeling ko kasi hindi ko deserve na tingalain nang ganito. I can prove nothing. Wala pa akong nararating sa buhay kasi nga nag-aaral pa lang ako. I married this early. I formed a family in the early age. And I believe na hindi pa enough ang wisdom na mayroon ako para tingalain ng ganito.

Normal na housewife and mother lang naman ako. Normal na tao. Medyo maganda nga lang pero normal talaga.

Kaliwa’t-kanan ang naging pagbati sa akin habang naglalakad ako papunta sa presinto kung saan ako dapat mag-vote. This is gonna be my second time to cast my votes in the local and national election. The first time was when I just turned eighteen years old, it means two years ago.

“Ah! Here’s comes the very popular wife of the very controversial councilor in town.”

I halted when I saw a familiar man stood in front of me. May mga nakapilang tao malapit sa amin, siguro para bumuto rin katulad ko. But I didn’t give them a damn for awhile, kahit obviously ay nasa gitna na nga kami ng hallway.

Napangisi at napailing na lang ako nang makita kung sino itong taong nasa harapan ko. He stood abruptly, crossing his arms like he’s the king of the town. He towered my height, and he’s too way different from being a normal Filipino, all thanks to his paternal genes. Unang tingin talaga, hindi mo malalaman na kamag-anak ko ang lalaking ito. Hindi nga rin ako makapaniwalang pinsan ko ang lalaking ito.

“Kuya Mefan!”

“Tss. Cut that bull, Kiara. Let’s go, ihahatid na kita sa presinto mo.”

He offered his arms kaya inangkla ko ang kaliwang braso ko at sabay kaming naglakad papunta sa classroom na pagbobotohan ko.

Mefan Barcelona, my estranged first cousin from my paternal side. Masiyado siyang attach sa mga Barcelona kaya madalas lang namin makita at makasama. Hindi rin kami masiyadong close at hindi rin kami parating nagkikita. I don’t even know him at all. We rarely bond with each other kahit sabihin pang mas close ako sa Montinola cousins ko. But if we do, madali rin kaming nagkakasundo. Being in the same bloodline with him got us the same wave length of brain cells.

Katulad ngayon.

“Didn’t know you went home, Mef. I thought you’re busy with flying school.”

“I can’t miss the chance of casting my vote to my friend.”

“Ah, yeah, you’re friends with my husband pala.”

“Everyone’s your husband’s friend, Kiara. Lalo na ngayon.”

Nakarating kami agad sa voting precinct ko. Just as Mefan said, inihatid nga niya ako. Pero nang makarating, diretso niya akong inihatid sa mismong pinto ng presinto.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon