THE ABSENCE.
Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa makakaya ko. Sinubukan kong kunin ang phone ko to contact the only number in my dial speed pero never itong nag-ring at paulit-ulit ang sinasabing cannot be reach siya.
Mas lalo lang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mas dumami ang dugong nakikita ko sa paanan ko. What's happening?
"Tulooooong!" sigaw ko, hoping that someone from outside can hear me.
Ano ba kasi ang nangyayari! Bakit may dugo? Bakit ang sakit-sakit sa bandang tiyan ko? Manganganak na ba ako?
Nadulas lang naman ako ba't parang pananakit sa tiyan ng isang babaeng manganganak na ang nararamdaman ko?
"Tuloooong!" I shouted again for the nth time. Halos malagutan na ako ng hininga.
Habang pumapatak ang bawat segundong walang dumadalo sa akin, mas lalo akong nanghihina. Sinubukan ko namang tumayo pero tila ba'y bumigat ang buong katawan ko't nahihirapan akong ibangon ang sarili ko. Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa luhang sabay-sabay na nagsisipatakan resulta ng sakit na aking nararamdaman sa bandang tiyan ko.
It feels like I'm about to labor kasi ganito rin ang naramdaman ko no'ng kabuwanan ko na kay Colly.
But why too soon?
Hindi lang kaba ang nararamdaman ko sa bawat pagpatak ng segundo, dumarami rin ang dugo sa paanan ko. I really hate blood that's why mas lalo lang akong kinakabahan ngayon. Ano ba kasi ang nangyari? Ang nangyayari? Nadulas lang naman ako, bakit ang dami nang dugo?
As much as I want to keep myself sane enough to surpass this, hindi ko magawa dahil umiikot na ang mundo ko at pagod na pagod na ang talukap ng mata ko.
I want to sleep. I want to take a rest. I can't take it anymore. Nakakapagod.
Sumandal ako sa pader malapit sa binagsakan ko at tuluyang ipinikit ang mga mata. Pagod na pagod na ako.
"Ma'am Kiara! Gising na po!"
"Hmmm..."
"Ma'am Kiara! Ma'am Kiara! Ma'am, nasa ospital na po kayo. Ma'am, 'wag na po kayong matutulog ulit, Ma'am. Sabi ng doktor, kailangan po gising kayo, Ma'am."
"Anong... bata... saan... Einny..."
"Si Sir Einny po, Ma'am? Uh... ano po, kino-contact na po nina Senyora, Ma'am. Papunta na po siguro rito, Ma'am. Ma'am, 'wag na po kayong masiyadong magsalita, baka maubos po ang lakas n'yo, Ma'am. Ipunin n'yo po 'yan para mamaya. Pero 'wag na po kayong matutulog ulit, Ma'am."
Nararamdaman ko ang paggalaw ng kinahihigaan ko at nasisilaw ang mata ko sa mga ilaw na nadadaanan nito. I can hear the hustles and bustles around me pero hindi ko maintindihan kung bakit parang inaakit na naman ako ng antok.
"Sa...an..."
"Ma'am-"
"Pasensiya na po, hanggang dito na lang po kayo. Bawal na po kayo sa loob."
"Ma'am, nandito lang po kami sa labas!"
Pumikit ako at 'yon ang huli kong narinig mula sa labas bago biglang dumilim ang paligid ko dahil ipinasok ako sa isang kuwartong hindi kasing liwanag no'ng nasa labas.
Sinubukan kong igala ang paningin sa paligid pero panlalabo ng mata lang ang nakikita ko. Pero ramdam na ramdam ko ang pananakit ng tiyan ko at para akong natatae.
"Mrs. Lizares, can you hear me?"
"Hmm..."
"Mrs. Lizares, I want you to push that baby down in order to save your life."
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?