THE UNKNOWN QUARREL.
Matapos matulungan ang mga lasing sa kani-kanilang estado, sa wakas ay makakahiga na rin ako sa kama ko.
I walk back to our hotel room. A little happiness is still etched in me, remembering all the silly things we did back there. Nadagdagan na naman ang happy moments ko with the Osmeña.
Kahit papaano, nang dahil sa bakasyong ito, nawala pansamantala ang pagod at lahat ng isipin ko these past few months both in my apprentice job and my upcoming graduation.
After years in college, both battling my responsibility as a wife, mother, student, and an apprentice in the Human Resource office of LSC, ay malapit na akong gr-um-aduate. Lahat ‘yon ay napagsabay-sabay ko and I am so proud of myself that I was able to conquer those roles in my life. Nakakapagod siya pero nakaya ko and that’s a start na alam kong kaya ko nang harapin kung anong role pa man ang dumating sa buhay ko. With the help of my loved ones, family, friends, alam ko naman na makakaya ko talaga ito. They became my strength.
Natutuwa lang ako sa sarili ko kasi I used to be a spoiled brat, pero ngayon ay natutunan ko na ang mga dati ay hindi ko maintindihan o hindi ko alam. Ang daming lessons ang natutunan ko simula noong maikasal ako kay Einny. We’ve been married for three years now and lahat ng experiences ko with him, it all taught me lessons. Different kinds, different faces, different circumstances.
Bukas ang pintuan ng hotel room namin ni Einny nang makarating ako rito. With an adamant smile, pumasok ako sa kuwarto only to find out that the room’s in dim light but Einny’s still awake. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama, nakasandal ang likuran sa headboard ng kama, at may hawak na libro. He’s also wearing his eyeglasses and aside sa bedside lamp, naka-on din ang bookmark lamp niya, which is a special lamp he usually use whenever he’s reading books during nighttime, lalo na kapag tulog na ang lahat sa paligid niya.
Pinasadahan niya ako ng tingin nang pumasok ako sa kuwarto, siguro narinig ang pagbukas nito pero hindi na ako binigyan pa ng maraming atensiyon. Napangiti ako dahil it was kind of relief na makita siyang ginagawa ang paboritong hobby niya, which is reading books, any kinds of books.
“Hi, love, bakit gising ka pa?”
“It’s three forty-five in the morning, Kiara.”
“Huh? Madaling araw na pala? Then why are you still awake? Don’t tell me you’re overworking, love?”
Mas pinili kong hindi pansinin ang pagtawag niya sa pangalan ko instead of our usual endearment. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanggal ng damit para makapagbihis into a more comfortable one. Kung kaya pa ng katawan ko, gusto ko sanang magbabad muna sa bathtub ng room namin but I’m too tired and all I want right now is the warm embrace of my husband for the rest of the night.
“Love naman, we talked about this, right? No work during vacation mode?” I calmly say habang nagbibihis ng damit.
Hindi man lang siya natinag sa kinauupuan niya. He remained sitted, book on his hand, and comfortably laying his back on the headboard of the bed. And he’s being serious with what he’s reading now though hindi ko makita kung anong title ng book o kung anong klaseng book iyon since he has a lot of books at hindi ko na-check kung anong nadala niya for this trip. Nag-expect nga ako na hindi siya magdadala but gan’yan siguro kapag mga bookworm, can’t last a day without reading a book for a day.
“Mukhang na-enjoy mo ang gabing ito, ah?”
Kusa akong napangiti nang sa wakas ay nagsalita siya at tiningnan pa ako. Ibinaba na rin niya ang librong hawak niya pero dahil ang bedside lamp lang ang nagbibigay ilaw sa amin ngayon, hindi ko makita kung anong expression niya sa mukha ngayon.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?