THE OLD MEMORIES.
Dahan-dahan ay idinampi ni Einny ang labi niya sa noo ko. Marahan akong pumikit at dinama ang kapayapaan no’n.
Hindi man kami ganito mag-away, ganito naman kami magbati. Hindi man napag-uusapan ang lahat but the important thing is alam ng both sides kung sino dapat ang humingi ng sorry at kung sino ang may kasalanan.
“Did Mama Kristine called to inform you about Mr. Peter Yanson’s marriage proposal to him?”
Wait, what?
Gulat na gulat akong napatingin kay Einny dahil sa casual na sinabi niya. Napahiwalay pa nga ako sa pagkakayakap niya. Did I just hear it right, again? He just casually ask me about Mommy and that Peter Yanson like I really had an idea about it? Like, really?
Muling nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. I even keep a distance at parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. It’s like I heard it for the first time.
“Wait, you knew about Mommy and that Peter Yanson?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Almost hysterical, maybe.
“Yeah. I was actually the one who introduced Mama Kristine to Mr. Peter Yanson.”
What the fricking ugly is this?!
“Alam mo, and you’re the one who set this up but you didn’t dare to tell your wife about it?”
“Dapat sasabihin ko naman talaga sa ‘yo but I got busy with office, hindi ko na nasabi and Mama Kristine told me that siya na raw ang bahala na magsabi sa ‘yo and will personally tell you about it. Ayokong manghimasok kaya hindi ko sinabi. Ayoko siyang pangunahan kaya hinayaan ko siya.”
Mas lalong naguluhan ang utak ko sa mga sinabing ito ni Einny. Parang tinutusok-tusok tuloy ang utak ko sa kaiisip nito.
Ang dami kong gustong sabihin kay Einny ngayon. Napapangunahan ako ng inis ko sa katawan but I need to act and think straight. Foremost, I need sleep and rest.
Mabigat akong nagbuntonghininga at saka napatingin sa kaniya. The other second we’re fine, the next isn’t. Ganito minsan kagulo ang relasyon naming dalawa. Yes, I said we’re perfect for each other and this one made us perfect together. Ironic, I know.
“You want me to keep a distance with the Osmeňas, right? I’ll do what you want. I’ll do everything if that’s what keep you at peace. I’ll go home later, sasabay na ako kina Tonton sa pag-uwi nila. Total, you want me to keep a distance so I’ll start right away.”
Masiyadong magulo ang utak ko ngayon but I need to keep my composure. This isn’t Kiara if she let her guard down over some anger management issues.
“Love, hindi naman sa ganoon. I’ll explain everything-”
“I’ll let Mommy explain everything. Gusto kong manggaling sa kaniya ang lahat ng gusto kong malaman. As for the Osmeñas, I’ll assure you this will be the last time I’m going to be with them.”
Natulog ako ng madaling-araw na iyon na mabigat ang utak sa dami ng iisipin. For the first time in my life, natulog ako nang hindi namin fully napag-usapan ni Einny ang tungkol sa issues na iyon. Hindi ko kasi alam kung paano at saan ko sisimulan. Sabi ko nga, gulong-gulo ang utak ko ngayon. Hindi ko nga alam kung I’m still making sense now.
Paggising ng umaga, agad kong kinausap si Tonton na isama ako sa last minute arrangement ng pag-alis nila. Before kaming pumunta rito, napag-usapan na naman talaga nilang dalawa ni Siggy na aalis sila after a day of spending their time here in Amanpulo. Ayaw na nilang magtagal na dalawa. But to my surprise, pati si Kuya Decart ay aalis na rin ngayong araw. Mama Felicity called him kasi, informing him about an urgent meeting for the company, and that his presence is a must sa LSC.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?