TGF - 21

46 2 0
                                    

THE SUPERSTAR BESTFRIEND.


I am here in London for two days now since I arrived. Two weeks dapat ang bakasyong ito but once I'm done meeting Sandi, uuwi na ako agad sa Pilipinas.

Mataas na ang pride ko pagdating kay Einny ngayon pero miss na miss ko na ang anak ko kaya kailangan ko nang umuwi. Kakausapin ko lang naman talaga si Sandi kaya ko pinagpatuloy ang bakasyong ito, eh.

I patiently waited for Sandi's arrival sa t-in-ext kong hotel room sa kaniya. She said she'll be here and she'll find ways para lang mapuntahan ako. I appreciate that effort. Pero hindi na ako nag-assume na pupuntahan niya akong mag-isa ngayon. She's a superstar now. An international superstar. Lahat halos ay kilala siya kaya sobrang imposible na mag-isa lang siyang aalis ngayon. Lalo na ngayon na mas naging sikat siya sa bashers dahil sa ginawa niyang pangba-busted kay Mikan.

Isa pa 'yang lalaking 'yan. Hindi ko pa 'yan nakakausap dahil sa ginawa niya.

Habang naghihintay, hindi ko maiwasan ang mapa-isip dahil sa pasan-pasan ko ngayon. I can't say it's a problem because it was never a problem.

I just can't help thinking about it. Lalo na't recently ko lang din nalaman.

I am pregnant. I don't know how many months but yes, I am really pregnant. Ilang PT na ang nabili ko rito sa London para lang i-sure na buntis talaga ako and kind of assessed myself with the symptoms but I always end up with the same conclusion... I am indeed pregnant.

I should be happy. May PCOS ako at sobrang imposible na sa akin ngayon ang magbuntis sa pangalawang pagkakataon. Pero hindi ko lang maiwasang mapa-isip sa situwasiyon ko ngayon. I never told anyone. Not even my husband. Plano kong sabihin sa kaniya once na nakapagpatingin na talaga ako sa Ob-Gyne ko. Gusto ko 'yong siguradong-sigurado na talaga.

But my thinking stopped when I heard the sound of the hotel room's doorbell. Napabuntonghininga ako at napatingin sa direksiyon ng pinto. Maingat akong tumayo at naglakad papunta roon while fixing myself and plastered a wide smile.

Kaibigan ko ang iko-comfort ko ngayon, hindi 'yong ako dapat ang i-comfort. Hindi ko 'yon kailangan. Kaya kong i-comfort ang sarili ko.

Malawak na akong ngumiti bago ko pa man mabuksan ang pinto.

"Oh, my god! I missed you so much, Sandreanna!" maligayang pambungad ko sa kaniya na sinabayan ko pa ng isang mahigpit na yakap.

Mas lalo lang lumambot ang puso ko nang maramdaman ang pagbabalik ng kaniyang yakap sa akin. Agad ko siyang pinapasok sa hotel room ko at isinarado ang pinto. Iginiya ko siya papunta sa malawak na living room ng suite.

"Oh, my god! Sit down, sit down! How was your trip going here? Hindi ka ba dinumog ng fans mo? You look... exhausted."

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She really looks exhausted. Kahit pa malawak siyang nakangiti sa akin ngayon, I know behind those smiles, pagod na pagod na siya sa buhay na mayroon siya ngayon.

She widened her smile. She's like imposing that she is really fine and everything's well.

"I'm fine, Ki. Ikaw? Kumusta ka na? You look... fantastic! Never seen you that sexy, Kiki!"

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Sandi nang sabihin niya sa akin iyon. If we're on a different circumstances, baka tuwang-tuwa ako sa naging compliment niya sa akin. But the situation is kind of different now in my head. Ako lang 'yong buntis na payat. Hindi ako ganito kapayat no'ng pinagbubuntis ko si Colly. I was so bloated that time. This time... it's different. Kaya nga hindi ako naniniwala na buntis talaga ako ngayon.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon