TGF - 41

70 2 1
                                    

THE CAMPAIGNERS.


He has this look in his eyes that's telling you that he's scheming something or brewing something under his sleeves. Duda ako sa paraan ng tingin niya kaya umiwas na lang ako.

But I always end up looking at him again.

He's perfectly blending with the crowd. Although kasama niya ang kapatid niyang si Siggy at para silang normal na residence na nakikipag-usap pa sa mga katabi nilang obviously ay locals ng barangay na ito, o baka tauhan ng kanilang lupain.

Hindi ko alam. Kasi sa totoo lang, nakalimutan ko na ang tungkol sa pamilyang iyon. Pinilit kong kalimutan kahit alam kong hindi ko naman puwedeng kalimutan. Mandatory kasing manatili ang pamilyang iyon sa buhay ko.

Umiwas na lang ako ng tingin at pa-simple na lang na umiling. Bahagya akong tumikhim para masimulan na ang pagsasalita.

"Magandang hapon po sa inyong lahat!"

Isang masigabong na palakpakan agad ang isinagot nilang lahat sa akin. May iba naman na sumagot pa sa naging pagbati ko.

"Okay po ba kayong lahat d'yan po sa mga puwesto n'yo?" pinasadahan ko ng tingin ang puwesto ng mga matatanda at sinipat ng tingin para masigurong nasa okay na puwesto sila.

Halos sumagot ang lahat ng oo at may ibang nag-thumbs up at kumaway pa sa akin, lalo na 'yong mga matatandang pinasadahan ko ng tingin kanina.

Hinanap ko sa likuran ko ang leader ng campaign team ko at sinenyasan siya ng go, sign para i-distribute na sa crowd ang inihanda naming merienda para sa pulong-pulong namin. Na agad naman niyang ni-relay sa leader ng magdi-distribute ng snacks.

"May inihanda po kaming kaonting merienda po para hindi po kayo magutom habang nagsasalita po ako. Kailangan daw po kasi mahaba ang sasabihin ko pero gagawin ko po ang lahat para paikliin lang ito kasi naiintindihan ko pong may mga kailangan pa po kayong gawin sa inyong mga bahay at bukirin."

Nagsitawanan ang ilan sa kanila dahil sa sinabi ko. May nagsabi pa nga na okay lang daw kasi maganda naman daw ang nagsasalita sa gitna, okay lang daw kasi ako naman daw ang nagsasalita sa gitna. Naks, maganda nga'ng talaga.

Kaya sinabayan ko na rin sila sa pagtawang ginawa nila. Iginala na rin ang tingin sa paligid.

At walang hiyang makapal na talaga ang mukha ay saktong nakita kong kumuha ng dalawang pirasong burger at dalawang swakto. Inabot niya ang isang pair ng swakto at burger sa kapatid niya, na parang nagtataka pang tinanggap ni Siggy. Sunod niyang ginawa ay ang diretsong pagbukas ng balot ng burger na hawak at walang ka-poise poise at ka-manners manners na nilamon ito. Didiretso na sana 'yong nagbibitbit ng pagkain pero kitang-kita ko talaga sa mga mata ko na pinigilan niya iyon sa paglalakad at nakipag-usap pa nang panandalian bago diretsong kumuha sa box na bitbit no'ng batang babae.

Na-tanga pa nga ang may bitbit ng box dahil sa ginawa niya. Kitang-kita ko talaga na natulala siya habang nakatingin sa kaniya. Kasi maski ako nagulat talaga.

I scoffed. Pang-ilang beses din na napa-irap dahil sa nakita. Ang kapal na nga ng mukha niyang magpakita sa pulong-pulong namin ng partido, kahit alam kong balwarte ito ng pamilya niya, tapos nadagdagan pa ang kakapalan ng kalyo niya sa mukha nang humingi pa talaga ng merienda sa distributor namin. Ang kapal talaga ng mukha! Patay-gutom ba siya?!

Nang saktong lumingon siya sa akin habang kinakain na, parang patay-gutom, ang burger, umiwas na talaga ako ng tingin and swear to myself that I'll never look at his direction again, like ever.

Iginala ko na lang ang tingin sa ibang bagay at itinoon doon ang hundred percent attention ko talaga. Nang mapansing may mga merienda na ang mga tao, muli akong ngumiti sa lahat para masimulan na ang pagsasalita.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon