THE CAMPAIGN’S PROBLEM.
Months passed and everything went back to normal again. It’s just that something really changed.
Madalas nang nakikipagkita si Einny kina Lolo at Tito. Madalas na rin ang exposure niya sa ibang mga bagay. He’s being groomed to become the next generation councilor in our city.
Alam na alam ko ang hanash ng pre-election o ng politicians because I grew up with one. Wala akong problema sa politicians but I was wrong when I aimed to have a peaceful life away from the politics. Nakalimutan kong mahilig din pala si Einny sa pulitika. He even took Political Science in college and planned to have a higher education in terms of the field he chose.
Hay naku! Kung ano-ano ba itong iniisip ko. Payapa naman ang buhay namin ngayon. Dapat lang na wala akong problemahin kasi wala naman talagang problema sa buhay na mayroon ako ngayon. Medyo praning lang siguro ako o talagang nami-miss ko na ang asawa ko. Hays, ewan talaga.
“Colly! Nanay’s here!” I spread wide my arms and embrace immediately the happiness of my life aside from Einny. Agad din naman siyang ibinigay sa akin ng nanny niya kaya mahigpit ko siyang niyakap.
I showered him kisses. He’s so innocent and I bet he don’t even know what I’m doing to him now. Malaki na rin siya ngayon and he’s like eight months na rin yata. Few months to go and he will turn one na tapos little did I know, binata na pala ang anak ko. Hoy, ‘wag muna. I want to spoil him muna. I want to enjoy his company. ‘Wag munang magbinata nang ganoon kabilis.
I just came home lang pala. Galing ako sa La Salle to process my enrollment dahil magbabalik schooling na ako. Although it’s kind of a little different now kasi I’m going to take online classes starting now. Sa ganoon kasing setting ay para kaming naghi-hit ng two birds with one stone. Makakapag-aral na ako and I can also be a full time housewife and mother to Einny and Colly, right? It’s a win-win situation. Salamat din pala sa connections ng mga Lizares sa management ng La Salle, I can easily get in.
Actually, pinagpatuloy ko lang naman ang course ko from last year. I’m already done with first year kaya second year na ako ngayon. Medyo delay kasi nga ‘yong batchmates ko ay nasa third year na ngayon but that’s fine. Life isn’t a race naman. Lahat naman tayo matatapos, hindi nga lang natin alam kung kailan; puwedeng mabilisang pagtatapos o matagalan. It’s just a matter of time.
Life is sometimes at ease. When you got everything in life, there’s nothing you’d be aiming for. Kontento na ako sa ganitong buhay. I’ve been with Einny for over a year now, living peacefully together with our son and his family. Life is peaceful. Life is predictable. Life is… what urges me to love everyone else.
Life is love. Love is life. It is what it is.
“Oh, hija, nandito ka na pala.”
Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Mama Felicity. Agad na lumawak ang ngiti ko nang ma-kompirmang siya nga. Sinalubong niya ako ng isang panandaliang halik sa pisnge bago kinuha sa bisig ko si Colly. Malugod ko rin naman itong ibinigay sa kaniya.
“Yep, Ma, kauuwi ko lang po.”
“How was the enrollment? Are you done na ba?” she asked between playing with Colly.
“Yep, Ma. Natapos lang din naman po within the day. My classes will start by November daw po, Ma.”
“That’s good. Online classes, right?”
“Yes, Ma.”
“Hindi ka ba mahihirapan n’yan?”
I chuckled a bit as I wipe some unnecessary saliva from Colly’s mouth. “I think that’s better, Ma. Matututukan ko po si Colly and I can also fulfill my duty as Einny’s wife.”
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
قصص عامةKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?