TGF - 45

123 5 2
                                    


THE END.


"Ano? Tatakbo ka ba?"

Masama ko siyang tiningnan.

"Mag-face mask ka nga! And have you sanitized your hands? Tumapak ka ba sa foot bath? Normal ba ang temperature mo?"

Mabilis din naman niyang isinuot ang kakatanggal lang niyang face mask upon entering my office. Akala niya siguro na por que nasa office ko na siya at kaming dalawa lang ngayon dito, okay nang tanggalin ang face mask niya. Hindi ko alam kung saan-saan siya nagpupunta before siyang nakarating sa office na ito kaya it's better to be sure talaga.

"OA naman nito. Sa city hall lang naman ako galing."

"Balita ko pumunta ka ng Manila last week. Eh, maraming cases doon. Baka lang naman."

Kahit hindi ako nag-offer, kusa siyang umupo sa bangkong katapat lang ng office table ko. Napa-irap na lang ako. Ilang taon nga kaming nagkita, kapag kaibigan talaga, ganoon at ganoon pa rin talaga kayo ka-komportable sa isa't-isa.

"May kailangang gawin sa OBE, eh, anong magagawa ko?"

"Yeah, right."

Umupo na lang din ako sa swivel chair ko at nakipagtitigan sa kaniya.

Halos tatlong taon na ang nagdaan pero hindi na talaga nagbalik sa normal ang mundo. Mahirap nang gumalaw. Hindi na ito kagaya nang dati na sobrang dali lang, na sobrang luwag lang. Maski nga ang makipagkita sa mga kakilala mo, matagal pa bago mangyari.

"Three days lang naman akong na-quarantine," dagdag na sabi niya habang iginagala ang tingin sa loob ng office ko.

"Three days kasi konsehal ka. Minadali mo na naman ang lahat."

"Mabilis lang kasi ang result ng swab test, eh. Ni-release ako agad."

Ngumiwi ako at hindi na lang sumagot sa sinabi niya. Nagpatuloy naman siya sa paggala ng tingin sa paligid niya. Inatupag ko na lang ang mga papel sa table ko, regarding sa mga negosyo.

"Oh? Buhay pa pala ito?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya... and oh, my God!

Gusto ko sanang kunin ang hawak-hawak niya ngayon pero masiyadong mabilis ang kamay niya't naiangat na niya ito sa ere para sipatin ng tingin, hindi ko na talaga nabawi pa.

"Kanino nga galing ito?"

Naiinis akong umungol sa ginawa niya, lalo na sa naging tanong niya.

"Ah, alam ko na!" lumaki ang ngisi niya. "Balita ko inaayos na niya ngayon ang annulment papers ninyo, ah?"

Nang dahil sa sinabi niyang iyon, sumuko na ako sa planong pagkuha sa hawak-hawak niya ngayon at umiwas na lang ng tingin. Sumama ang timpla nang i-open up niya ang tungkol doon.

Pero bago sagutin ang tanong niya, napapikit na lang ako nang may nagdaang isang alaala.

I was busy fixing my hair when I first saw him. I was seventeen years old then, turning eighteen in a few months. Actually, we're in the middle of preparing for that grandiose debut of mine.

Nasa isang atalier kami ng favorite designer ni Mommy. We were scheduled to fit for the gowns made by Mommy's designer for my debut. Almost done na sa fitting nang biglang pumasok ang magpapabago sa buhay ko. He's with two girls; one is ka-edad lang at mukhang kakilala pa ni Mommy dahil nakipag-beso pa siya rito and the other one... I don't know her.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon