THE PARTY
First week of May, na-i-turn over na sa akin, finally, ang Human Resource Department ng Lizares Sugar Corporation. I am now the Human Resource Director. Kasabay din no'n ang pag-uwi ni Darry, ang bunso ng Lizares brothers, sa Pilipinas para naman mag-take over as an Assistant CEO, since hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ng bansa si Kuya Decart and there's no news about him or his comeback. Siggy's here in Escalante, taking a break from his career in Manila with no reason at all, o baka hindi lang sinasabi sa amin kung bakit siya biglang nag-take ng break from his dream career. Tonton was forced to annull Therese dahil para sa mga magulang niya, hindi makatarungang akuin niya ang anak na hindi naman sa kaniya and upon investigation, talagang hindi naman minahal ni Tonton si Therese. The annulment papers were then granted dahil sa influence ng mga Lizares at dahil na rin sa kagustuhan ng both parties. Sonny's in Central, the one who's helping me out. And Einny... we'll mas naging busy siya as a public servant. Matagal na rin naman siyang busy. Simula pa lang, busy na naman talaga siya.
Aaminin ko, nagkaka-problema nga ngayon ang Central kaya nga halos maubosan na ako ng time sa sarili kong pamilya. So I promised myself na sasabihin ko na kay Einny ang tungkol sa dinadala ko ngayong paparating na katapusan ng buwan, during the annual fiesta highlights ng city namin.
Yeah, I know, masiyadong pathetic. Limang buwan kong naitago ang tiyan ko. Hindi naman kasi masiyadong halata dahil ang napapansin lang ng iba ay tumataba ako.
Yeah... tumataba ako.
Ang akala talaga nila ay tumataba lang ako.
Mas lalong naging busy din ang asawa ko in preparation for the upcoming annual fiesta ng city namin. He planned to organize and sponsor a rave party at the highlights of the fiesta and to organize an art exhibit, pasasalamat man lang daw sa supporters niya in the past years na walang sawang sinusuportahan siya sa projects and advocacies na mayroon siya as one of the city councilors.
"Mauna na ako sa inyo, kailangan ko pang ayusin ang mga dapat ayusin para sa ribbon cutting ceremony mamaya." Einny carefully tap my shoulder as he ready himself to go out. Opening salvo ngayon ng week-long fiesta celebration ng city namin kaya mas lalong naging busy si Einny. Umagang-umaga pa lang pero heto siya't naka-ready na at paalis na nga papunta sa city hall, kung saan magaganap ang unang event na magaganap for today... ang ribbon cutting event para sa exhibit na sponsored din ng office niya. Exhibit kung saan naka-display ang iconic paintings ni Zee Mondejar, photographs ni Tonton about the city, at ibang paintings and artworks ng mga kilalang artists ng city.
I hug myself as I watch him away.
"Tonton, sumunod ka ha? Nakakahiya kapag na-late ka sa event na ito. You're one of the highlights pa naman. Remind your brothers, too. Lalo na 'yang si Siggy ha," bilin niya sa kapatid niyang galing pang kusina at ngayon pa lang magkakape. Basically, kagigising lang din.
"Make sure everyone's going. I'm out, bye everyone!" huling habilin niya bago siya tuluyang nakalabas ng manor at umalis.
May buong pag-iingat akong bumaba ng hagdan, nakatingin pa rin sa malaking double doors ng manor, kung saan lumabas si Einny. Sakto ring nakalapit na sa puwesto ko si Tonton, bitbit pa rin ang mug ng kape niya.
"Masiyado na nga siyang bossy, sobrang busy pa. Nagkakakaroon pa ba kayo ng time sa isa't-isa, Kiara?"
My brows furrowed. Hindi inaasahan ang naging tanong ni Tonton sa akin.
"Oo naman. We're living in the same roof so magkakaroon talaga kami ng time sa isa't-isa. At mag-asawa kami, Tonton," nakangiti pang sabi ko.
"You know that's not what I meant, Kiara. But anyways, pupunta ka ba sa ribbon cutting mamaya? I think you better not."
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
Genel KurguKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?