TGF - 42

64 2 0
                                    

THE DEBATE.


Kinatulugan ko ang pag-iisip no'n. Nagising lang ako dahil sa bulabog na narinig ko. Nang magmulat ako ng mata, si Mommy agad ang nakita ko.

Naaalimpungatan pa, wala akong nagawa kundi ang umungol sa nagpo-protestang paraan. Mas lalo lang akong nabulabog nang buksan ni Mommy ang malaking kurtina ng kuwarto, exposing the high sun outside this room.

"Mommy!" pagpo-protesta ko sa ginawa niya habang pilit tinatakpan ang mga mata ko ng comforter dahil ina-adjust pa ng mga mata ko ang liwanag na pumasok sa kuwarto.

Para akong teenager na pilit ginigising ng mga magulang niya because of oversleeping. I shouldn't be treated like this kasi thirty-six na ako, may anak na, very mature enough to be an adult pa.

"Mommy naman!" muling ungol ko. Medyo iritable kasi nga antok na antok pa ako at pagod na pagod pa from all the hanash yesterday tapos masisinagan pa ng pang-umagang araw. "Mommy, anong oras pa, oh?" reklamo ko sa pang-ilang beses na.

"Aber, gumising ka na nga riyan, Kirsten Ara Lejandra. Ano itong kumakalat ngayon sa social media? Nakipag-reconcile ka na sa kaniya? Since when?"

"What are you talking about?" halos murmur na tanong ko dahil mabilis ko ring itinago ang mukha ko sa ilalim ng unan nang maramdamang kukunin pa yata ni Mommy ang unan kong iyon.

"Gumising ka nga r'yan, Kirsten. Your team is up and on the move now pero ikaw na leader nila, heto't nakahilata pa rin sa kaniyang kama. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang ang future Mayor nila ay late na kung simulan ang araw niya?" patuloy pa rin na talak ni Mommy.

Kahit kailan talaga si Mommy.

I groaned underneath my pillow na pilit pang inaagaw ni Mommy.

"I instructed Ellaine na nine AM pa ako lalabas ng kuwarto, Mom. Napagod ako kahapon so, spare me this time," may reklamo sa boses na sabi ko sa kaniya.

Mamayang ala-una pa naman kasi ang lakad namin para sa pangalawang araw ng kampanya at ang araw na ito ang isa sa mga araw na mababakante ang umaga ko. Kaya itinulog ko ang bakanteng umaga kong ito. Hindi ko na kasi alam kung sa mga susunod na araw ay magiging libre pa ako. Baka nga marami na akong gagawin for much exposure time sa publiko na kahit gumising nang maaga o madaling araw ay required na sa akin.

"Edi mabuti. Mamaya ka pa pala lalabas, eh. We have longer hours on talking with this one. Kaya bumangon ka na and mind explaining me this one?"

"Ano ba kasi 'yan, Mommy?"

Pinilit akong ibangon ni Mommy na parang batang kailangang gisingin dahil late na for school. She used to do it to me noong nag-aaral pa ako but not this harsh ha.

Alam na alam ko na magulong-magulo na ang pagmumukha ko ngayon. Magulo ang buhok, magulo ang damit, magulo ang kama, magulo ang buhay. Lahat na lang magulo sa akin.

"This!"

Namumungay ang mata kong pilit tiningnan ang nakatapat na phone sa pagmumukha ko. Nang makapag-adjust sa liwanag ng paligid, agad ding napapikit dahil dinaig pa ang sinag ng araw ang brightness ng ng phone ni Mommy. Oldies stuff, eh?

"Grabe naman 'yang brightness ng phone mo, Mommy?"

Matagal nawala ang ngiwi sa mukha ko dahil sa hatid na brightness ng phone ni Mommy. Pinilit ko ulit aninagin ang kung anong nasa phone niya.

"Just look at my phone, Kirsten!" iritable na ring sabi niya.

Kanina ko pa napapansin na iritable siya at parang may laman ang bawat salitang binibitiwan niya, ang lahat ng pagsaway na ginawa niya, ang paraan ng paggising niya sa akin... lahat 'yon parang may laman at bigat, eh.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon