THE WEDDING.
Sabay naming hinarap ang lahat matapos ang unang halik namin biglang mag-asawa. Lahat sila nagpapalakpakan, lahat sila nakangiti, lahat sila suportado kami, lahat sila alam kong natutuwa para sa milestone naming ito.
Kaliwa’t-kanan kaming kumaway ni Einny sa lahat. Para bang sa pamamagitan no’n ay mapapasalamatan namin ang kanilang presensiya sa pinakamasayang araw naming dalawa.
I know this isn’t enough but I am just so grateful for their presense in this important event in my life. Lalo na sa parents ko na alam kong sobrang hirap nilang mapagsama sa iisang lugar, dahil both busy, ay nagawa nilang iwan pansamantala ang mga gawain nila para lang masamahan ako sa pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko.
Huli kong tiningnan ang best friend ko na ngayo’y Maid of Honor ko na. Masigasig akong kumaway sa kaniya at agad ipinakita ang dalawang singsing na nakasuot na ngayon sa kaliwang palasingsingan ko.
Kung naabot ko ang ganitong klaseng kaligayahan, sana ganoon din si Sandi… sana katulad ko ay makamit din ang kaligayahan na inaasam ng kaniyang puso. I wish her all the happiness in the world. At ang suwerte ko’t siya ang naging kaibigan ko. Hindi ko man directly nasabi sa kaniya ang tungkol sa amin ni Einny nitong mga nakaraang taon, she’s still her, showing her support, telling me she’s always here for me at masayang-masaya siya sa bagong yugto ng buhay ko. Sana ikaw din, Sandi, magkaroon ng ganito. Kahit kanino, kung mahal mo naman, susuportahan din kita.
Matapos kong matingnan si Sandi, bumalik din ang tingin ko kay Einny. I mouthed him thank you and he sweetly smile at me in response.
Hindi doon nagtatapos ang aming kasal. Matapos ang seremonyas, may picture taking na naganap. Lahat ng bisita, mapa-importante o kakilala lang, ay nagkaroon ng chance na makapagpa-picture sa amin. Ang saya lang kasi I got to experience again having the Montinola and Francisco clan in one frame. Tapos may dumagdag pa na mga Lizares at Lumayno. Sobrang laki na ng pamilyang kinabibilangan ko. And it excites me more for the what lies in our future ahead of us.
After the business inside the church, picture taking and signing of marriage contract, agad kaming tumulak lahat papunta sa resort na pagmamay-ari ni Daddy. Doon magaganap ang reception. And honestly, hindi ko pa nakikita ang buong venue ng reception kaya hindi ko ma-imagine kung anong itsura no’n. Basta ang sinabi ko lang… I want a beach wedding type reception. Hindi ko nga lang ma-imagine kung kaya bang gawing beach wedding type reception kasi medyo malayo pa naman ang resort sa mismong shore ng dagat. Kailangan pang akyatin ng hagdan. So… I guess I’ll just not think at all? And just see for myself?
Magkasama na kami ngayon sa bridal car ni Einny. My head’s leaning on his broad shoulder. Ipinatong naman niya ang kamay niya sa balikat ko para komportable akong makasandal sa kaniya.
Nakatingin lang ako sa daan, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sobrang kaligayahang nararamdaman ko ngayon.
“Hindi ba masikip?” bigla ay naging tanong ni Einny sabay haplos ng marahan sa bandang tiyan ko.
Ini-angat ko pa ang hawak kong bouquet para magkaroon pa siya ng access sa paghawak sa tiyan ko. Mahina akong natawa at umiling. “Hindi naman. Mabuti na lang at nagkaroon ng last minute adjustments. Hindi ko naman kasi aakalain na mabilis siyang lumaki.”
Hinawakan ko na rin ang kamay niyang humahaplos sa tiyan ko. Until he clasped it together and kiss again the back of my hand.
“Are you feeling good?” tanong niya as he slowly massage my knuckles.
“More than better,” matamis na ngiting sabi ko.
“Edi best?”
“Yeah… best! This is the best day that happened in my life. Thanks for making it possible, Einny.”
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
Ficção GeralKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?