THE DEVASTATED BROTHER-IN-LAW.
Lahat ng atensiyon ay napunta kay Ada na dire-diretso lang ang naging lakad papunta sa nag-aabang na mga magulang ni Tonette na sina Tito Rest and Tita Blake.
Okay, what's happening? Bakit parang nagmamadali si Ada? May nangyari ba sa bride? Accident, maybe?
Lord, 'wag naman sana. That's the worst case scenario I don't want to think right now and I hate myself now na pumapasok ito sa utak ko ngayon. Ano ba 'yan. 'Wag ka nga'ng mag-isip nang gan'yan, Kiara! Para kang tanga!
"Where the hell is Maria Theodora Antonette, Ada? Nasaan ang pinsan mo?"
Dumagundong ang malakas at hysterical na sigaw ni Tita Blake nang humarap na si Ada sa pamilya niya. Kagaya ko rin, nagtaka yata sa kung bakit siya lang ang sakay ng bridal car ni Tonette.
"T-Tita... hindi ko po alam. Pinuntahan namin ang hotel room niya para sana i-check siya pero wala na roon ang glam team niya, pati na rin siya. Pero nag-iwan po siya ng isang sulat."
I saw in my own two eyes that Ada handed them a piece of paper na mabilis ding hinablot ni Kuya Decart.
I am hundred percent sure now that all attention are on her.
What is really happening here? Totoo ba ang sinabi ni Ada? Ni Ate Ada?
Nang makuha ni Kuya Decart ang papel na hawak ni Ada, hindi niya muna ito ch-in-eck. Mas inuna niya pang pukulan ng masamang tingin si Ada kaysa ang basahin ang papel na hawak niya. Pero agad din naman niyang binuklat at binasa ang papel matapos niyang tumingin kay Ada.
"What is it, Decart?" usyusong tanong ng mga magulang ng bride.
Wait, oh, my god! Don't tell me Tonette's a... runaway bride? What the hell happened? How did it happen?
Mas naunang nakapag-reak ang mga magulang ni Tonette kaysa sa mismong may hawak ng sulat na si Kuya Decart. Sapo-sapo ang kanilang mga noo, halos maiiyak na sina Tito Rest and Tita Blake sa kung anong nabasa nila sa sulat na iyon.
I studied and waited for Kuya Deck's reaction. Kahit nagkakagulo na ang sa paligid ko, pinagmasdan ko kung anong magiging reaction niya nang malaman ko kung ano talaga ang laman ng sulat.
And his first reaction is to crample the paper he's holding. Diretso ang naging tingin niya sa kung anong bagay ang nasa harapan niya. Kitang-kita ko rin ang paggalaw ng panga niya, siguro para pigilan ang sarili sa kung anong emosyon ang nararamdaman niya ngayon.
"Bakit mo siya hinayaang makaalis, Ada?" malakas na sigaw ni Kuya Decart sa mismong harapan ni Ada.
Medyo nagkagulo ang lahat dahil sa naging reaksiyong iyon ni Kuya Decart. Ada's sister, Teagan, immediately comes forward together with Clee para ilayo si Ada sa mismong harapan ni Kuya Decart. Nilapitan na rin ni Einny ang Kuya niya para pigilan din ito sa saka-sakaling violent reaction niya.
"Ikaw ang may pakana nito, 'no?!" muling sigaw ni Kuya Decart.
Napatingin ako kay Ada for a reaction.
At ang una niyang ginawa ay ang maiyak sa bayolenteng pagsigaw na iyon ni Kuya Decart. Siguro nagulat sa ginawa niya.
"N-no... It wasn't-"
"Sinabihan mo si Tonette na layasan ako, tama?"
Oh, my god?
Biglang nag-step forward din ang isang Tito ni Ada at prinotektahan ang kaniyang pamangkin. Seryoso rin siyang nakatingin kay Kuya Decart.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?