THE GRADUATION AND A WEDDING.
Weeks passed by, college graduation naman ang pinaghandaan ko. Kahit puros online and module classes ang na-take ko sa course kong ito, I must say na marami-rami rin naman akong natutunan.
I am now reaping the fruit of my labor... my college diploma. I'm one semester behind, almost a year, pero heto't naigapang ko nga ang pag-aaral kong ito kahit na may sarili na akong pamilya ngayon.
It's hard... lalo na't sobrang baby pa ni Colly nang magbalik ako sa schooling no'ng mga panahong iyon tapos kailangan ko pang gampanan ang responsibility ko as a wife to Einny.
Maraming challenges akong na-face but here I am... facing the crowd while holding the solid proof of my hardship in life.
Nabuntis man ng maaga, nagpakasal man ng maaga, pero nakatapos naman ng pag-aaral. Alam kong sasabihin ng iba na privileged naman ako kaya easy peasy na lang sa akin ang makapagtapos kahit na maaga akong bumuo ng pamilya pero don't underestimate the hardships na napagdaanan namin kahit na privilege kami sa buhay.
Alam n'yo, hindi ko na naman talaga alam kung anong pinagsasasabi ko ngayon. Basta, sobrang saya ko lang. Sobrang saya ko na nakapagtapos ako ng college. Sobrang saya ko na my son was able to attend my college graduation day. I was so happy he was able to witness me wearing this black toga. Sobrang saya lang ng lahat.
"Congratulations, love. You deserve everything."
Isang matamis na halik at mahigpit na yakap ang natanggap ko galing sa asawa ko nang makipagkita ako sa kanila matapos ang graduation rites. Hindi na rin naman ako nagtagal sa venue kasi wala na naman akong masiyadong ka-close sa batchmates ko at may family dinner pa kaming kailangang puntahan kaya nagmamadali na kaming makaalis ngayon.
"Thank you, love. Para sa inyo ni Colly ang milestone kong ito."
Because true enough, talagang dedicated sa dalawang Lizares ng buhay ko ang diploma kong ito kasi Lizares na ang apelyidong nakalagay sa diplomang natanggap ko. Kirsten Ara Lejandra M. Lizares. Ang cute 'di ba?
Colly innocently kissed me on my lips as he mumbles something like congratulations yata kasi 'yon ang inuutos ng Tatay niya na sabihin sa akin.
I also let him wear my graduation cap no'ng magpa-picture na kaming tatlo.
I am so happy. This is beyond what I expected on having in my life. This is something I am forever grateful for. Ilang taon na kami ni Einny pero heto't para araw-araw yata ay nagiging strong ang relationship naming dalawa as husband and wife, as a family.
What happened to me in the past served as a lesson to me now. Wala na sa akin 'yon. Parang kailangan ko pa nga'ng mag-thank you na dumaan sa buhay ko ang mga taong iyon dahil kung hindi siguro... baka hindi ko mararamdaman ang sobrang kaligayahang natatamasa ko ngayon kapiling ang mga taong habang-buhay kong mamahalin ng ganito.
"Congratulations, Kiara!"
"Congratulations, anak!"
"Congratulations, my niña."
"Congratulations, sis!"
"Congratulations, Ate Kiara!"
Sari-saring congratulatory speeches ang natanggap nang makarating kami sa venue kung saan magaganap ang pa-dinner namin to celebrate this milestone in my life. Daddy and Mommy are here. Nandito rin ang family ko both sides. The Lizares are also here. Sila pa ba, mawawala?
The dinner happened. Mabuti naman at naging matiwasay. It seems like Daddy's really fine with the presence of Tito Peter.
O masiyado lang siyang occupied sa ibang kapatid niya at kapatid ni Mommy para pagtoonan iyon ng pansin?
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?