THE MAYORAL CANDIDATE.
I parted ways with him in a questionable manner. Maraming tanong ang naiwan nang umalis ako sa puder niya at napiling manirahan ulit sa bahay na naiwan ni Daddy. Maraming sagot na hindi na nalaman pa. Basta ang ginawa ko, umalis ako, naglakad palayo nang walang iniwang explanation.
I made it clear with him that I'm not going to file an annulment, unless he do so, but I'm not coming back anymore. Wala na akong pakialam sa pinapangalagaan nilang reputasyon basta ang alam ko, hindi na ako babalik sa kaniya.
Kung magkikita man kami, I assure that it's for Colly only. Co-parenting. Para kay Colly. Naging casual ang pakikitungo ko sa kanila para kay Colly.
Pero aaminin ko... napabayaan ko si Colly ng mga panahong iyon dahilan para mas madalas na siyang manatili sa Manor de Lizares kaysa sa akin. Mas gusto naman niya. At kahit ayoko, kailangan kong intindihin dahil alam kong may sarili nang pag-iisip ang binata kong anak.
And I got busy with elections and stuffs.
Nang tuluyan na akong umalis sa puder ng mga Lizares, that's the time na nakipag-reconcile na ako sa mga Francisco. Maybe it's God's will na pabalikin ako sa pamilya kong iyon before kunin ng Creator ang pareho kong Lolo at Lola.
That set-up lasted for years. Nanalo ang partido ni Kuya Amell sa eleksiyon. Straight vote. I got the number one spot as councilor.
And that means... natalo siya. Nang dahil lang sa issue niya na pagkakaroon ng anak sa labas, his glory days in politics were gone like the wind. I told you, may reputasyon silang mga Lizares na siya mismo ang sumira dahilan para mawalan ng tiwala ang mga botante sa kaniya.
Ibinigay sa akin ng mga tao ang simpatyang gr-in-ab ko para manalo sa eleksiyon na ito.
And it did happen.
Magta-tatlong taon na ako bilang konsehal ng ciudad na ito at ilang buwan na lang ay matatapos na rin ang first term ko. Nang manalo ako sa first attempt ko, agad akong nag-resign sa central at nag-focus sa mga negosyong iniwan ni Daddy at sa pagiging public servant. Nag-resign ako hindi dahil ayoko na ng profession na una kong minahal pero dahil kailangan kong mag-cut ties sa pamilyang iyon. Mas lalo ko lang kinamuhian ang pamilyang iyon nang malamang may alam sila tungkol sa dalawa but they never mentioned it to me. They disappointed me. Big time.
'Yong akala mong pamilya na ang turing sa iyo dahil matagal-tagal din naman kayong nagsama sa iisang bubong ay isa rin pala sa mga ta-traydor sa 'yo. Para akong pinagkaitan ng isang katotohanan na buong buhay na itinago sa akin. Deserve ko namang malaman ang totoo, 'di ba? Karapatan kong malaman ang totoo dahil asawa ako. Legal na asawa. Legal wife. Tapos ngayong gusto ko nang putulin ang kung anong ugnayan ang mayroon ako sa kanila, saka naman nila sasabihin sa akin ang mga nalaman nila?
Pinakinggan ko ang side ng story na alam nila but I did not let those thoughts ease my pain. Mas lalo nga'ng nadagdagan ang sakit at disappointment ko sa kanilang pamilya. Kaya as much as I can, iniiwasan ko ang circle kung saan involve sila, umiiwas ako sa gatherings ng mga alta kung saan nandoon sila. Since that day, never na akong nakabalik ng manor, never na akong nakatapak sa central.
But so far, I'm loving the public service world... the politics, in general.
Mahirap ang naging unang taon ko bilang konsehal ng bayan, let alone maging number one pa sa sampung konsehal ng ciudad namin, dahil para akong bulag na nangangapa sa paligid ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. In short... I was really paralyzed dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naging sunod-sunoran ako sa shadow ni Kuya Amell. Literally. At ako lang. Dahil unfortunately, maalam pala ang dalawang baguhang Osmeña pagdating sa ganitong klaseng field, itinago lang ng dalawang gago.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?