TGF - 32

50 3 1
                                    

THE PRESENT.


After nearly two hours of staying there, nag-decide na akong umalis na't baka maabutan pa ako ng ibang taong gustong bumisita sa puntod niya. It's so ironic kasi biglang nagsibalikan ang supporters niya rati, 'yong before siyang talikuran ng lahat, and acted like nothing happened. They flocked to her grave, showing how sad they were of her death, of how they really love her daw. Pero mas nakakatawa kasi sinasabi ko iyon ngayon as if I weren't one of them, tinalikuran si Sandi kung kailan kailangang-kailangan niya ang presensiya naming mga nagmamahal sa kaniya.

I blew a kiss to her grave bago ako tumayo at umalis. I walk towards my car and drive down back to the manor to help with the preparations. It will be a long day.

Masaya na naman ang buhay ko ngayon, kung tatanungin n'yo. Happily married for twelve years now. Heto, mahal na mahal pa rin ang Vice Mayor ng Escalante City, walang iba kundi ang second termer Vice Mayor na si Einny Lizares who just won last year and a proud Nanay to my eleven year old son named Colly Lizares.

And oh, my God! He's growing so fast! Hindi ko nga namamalayan na magti-twelve years old na siya this coming November tapos nasa grade six na siya and then little did I know, may binata na ako next year. Hays, ngayon pa nga lang parang binata na kung umasta itong anak ko. Akalain mo ba namang gustong-gusto nang sumama sa Uncles niya para libutin ang hacienda. He's getting fonder with that hobby of him. Ayaw na niya ng toys! I mean, marami siyang toys but he prefer collecting it than play with it. Imagine?

"Hello there, birthday boy!" masiglang salubong ko sa star of the day.

Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Solano sa akin. I carried him around and pinaulanan na rin ng halik.

This kid... he's been through a lot. Marami ring nangyari sa buhay nilang mag-ama na hindi ko na masasabi pa dahil labas na rin naman ako sa istoryang iyon.

"Mimi, Kuykuy gave me this!" energetic na kuwento niya matapos tanggapin ang mainit kong yakap. Habang nakakarga pa rin sa akin, ipinakita niya ang gift na sinasabi niya.

Mimi ang tawag niya sa akin dahil parang Mommy na rin daw niya ako at Kuykuy naman kay Colly dahil Kuya na nga ang turing niya sa pinsan niyang iyon and believe me or not, sobrang close ng dalawang iyan. Hindi halos mapaghiwalay 'yan noon, eh.

I look at the toy that Solano's holding and easily recognized it because it was one of Colly's precious toy collections. His miniature collections. Since he turned eight, nakahiligan na niyang magpabili sa amin ng Daddy niya ng maliliit na toys. Hindi para laruin, kundi para i-display sa kuwarto niya. Any toys basta maliit lang, gustong-gusto niyang kolektahin. Even toys and buildings and anything with miniature version, gustong-gusto niyang ipabili at i-display sa glass shelf niya sa kuwarto niya. Actually, kaka-repair nga lang no'ng malaking glass shelf niya dahil sa sobrang dami na ng collections niya, hindi na magkasya sa isang maliit na shelf lang. Ganoong toys din kasi ang madalas niyang ipabili sa grandparents, uncles, aunties, and godparents niya, eh.

At ang hawak na toy ni Solano ngayon ay ang pinaka-aalagaan na toy ni Colly. Napansin ko na 'to rati na gustong-gustong hingin ni Solano kay Colly ang laruang ito dahil figurine 'yon ng paboritong cartoon character ni Solano pero ayaw ibigay ni Colly dahil gusto niya raw naka-display lang daw. Tapos ngayon...

Lumingon ako Colly na may ngisi sa aking labi. Hindi siya makatingin sa akin at parang iniiwasan talaga ang tingin ko dahil yuko toda max siya, eh. Natawa na lang ako.

"Are you sure you will give this to Solano?" pinipigilan ang ngiting tanong ko sa kaniya.

He glimpse at me, mabilis din ang pag-iwas ng tingin. As if he's a shy teenage boy who got discovered with his antics.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon