TGF - 44

83 2 1
                                    

THE PANDEMIC.


Nagising ako na nasa kuwarto ko na ako. Naalala ko kung anong nangyari kagabi kaya nga hindi na ako halos bumangon pagmulat ko ng mga mata.

Okay na naman ang pakiramdam ko pero mukhang sasama ulit ito nang maalala ang mga huling naalala ko kagabi.

I lost the game. I lost the game called election. I lost my chance on serving the people on a higher position.

I failed it.

And here I am, hibernating again. Shutting people down because I failed them. All my promises were thrown into the thrash bin of nothing.

Sa lamang na isang daang boto, natalo niya ako. One hundred votes. One hundred voters. One hundred people. Isang daan.

May isang daang taong mas piniling paniwalaan siya, mas piniling panigan siya sa labang ito.

Hindi ako nakalabas ng bahay sa loob ng ilang araw dahil sa sama ng pakiramdam ko. Hindi na ako nagpa-admit o pumunta man lang ng hospital dahil alam kong pahinga lang naman talaga ang kailangan ko. So I did. Siguro blessing in disguise na rin 'yon na hindi ako nakalabas ng ilang araw dahil sa masamang pakiramdam para magkaroon ako ng rason maiwasan ang mga nagtatanong na tingin ng mga tao.

Inalagaan lang ako ni Tita Nena. Didn't want visitors kasi nga nilalagnat ako at ayoko lang makahawa ng ibang tao. Even my own son. Literally shutted people down. Thanks to this fever.

Pero matapos ang tatlong araw, naramdaman ko na okay na ang pakiramdam ko at nagising na lang ako na bumalik na lakas sa katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang bigat at sakit ng ulo ko, hindi na ako mainit, wala na ang sipon at ubo. As in balik na sa dating healthy self.

So I have no other choice but to get up and treat this day like any other normal day I had.

Sa loob ng tatlong araw na nasa loob lang ako ng kuwarto, marami namang nag-reach out sa akin through texts and social medias. May iba pa nga na nagpadala ng fruits and healthy foods para raw madali ang paggaling ko.

Pero lahat ng iyon ay ipinamigay ko lang sa iba at pinamahala na kay Tita Nena ang pag-dispose. I don't need people's concern. Hindi 'yon magpapagaan ng loob ko.

Lumabas ako ng kuwarto para harapin ang araw na ito. Pero pagkalabas ko pa lang, at dahil agad kong makikita ang dining are from the door of my room, nakita ko si Mommy na prenteng nakaupo sa dining chair. May hawak na iPad, suot ang kaniyang usual eyeglasses, at saktong humihigop sa umuusok pa niyang kape.

"Mommy?" medyo gulat ko pang tanong nang makita siya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at inilapag ang iPad at napatayo pa nang makita ako.

"Hija, anak, how are you? Are you well na ba?"

Nilapitan ako ni Mommy, hinawakan ang magkabilang braso at kinapakapa pa ang leeg at noo ko.

"I'm fine, Mom."

Ayokong magtunog malamya pero 'yon ang lumabas na tono ng boses ko bilang sagot sa nag-aalala niyang tanong.

Nakagugulat lang na makitang nandito siya ngayon. Sa mismong bahay na ito. Ang bahay kung saan kami tumira noong mag-asawa pa sila ni Daddy. It has been two decades and ano kayang laman ng utak niya ngayon na muli siyang bumalik at tumapak sa bahay na minsan ding nababalot ng mga masasayang alaala after so many years? I wanna know what's on her mind but I'm weak to know that. Baka sabihin na naman niyang hindi talaga siya naging masaya sa loob ng sampung taong nanirahan siya sa payapang bahay na ito. Malayong-malayo sa mansion na kinalakihan niya.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon