THE ELECTION RESULT.
My five questions were interesting. It tackles about my previous projects as a councilor. Lahat naman nasagot ko at confident naman ako na naintindihan ng mga nagtatanong sa akin ang mga naging sagot ko. It also tackles about my plans for this city. Consistent naman ang sagot ko sa platapormang sinasabi ko noong nagpupulong-pulong kami sa bawat barangay ng ciudad na ito. Kasi 'yon naman talaga ang plano ko.... ang tulungang maging malago ang ciudad na ito.
Nang si Einny na ang nakasalang, mas lalong nag-ingay ang lahat. May napansin pa nga akong grupo ng mga kabataan na hugyaw na hugyaw nang makita si Einny. Parang mga kinikilig. May mga adults na rin na kinikilig pa nang kumaway si Einny sa lahat. Lalo lang natunaw nang bumati na siya sa lahat gamit ang cocky voice niya.
Oh, my God? Cuarenta años na 'yang pinagpapantasiyahan n'yo! May dalawang anak na. Isa galing sa legal, ang isa galing sa kabit. Gumising kayo!
Pero hindi ko naman sila masisisi. Matikas pa ring tumindig ang isang ito. Tinatanaw pa rin niya ang mga tao na animo'y malawak na hacienda ito sa paningin niya.
Hindi ko talaga sila masisisi kasi minsan din naman akong nahumaling sa ganitong klaseng lalaki.
Kakisigan. Kayamanan. Katalinuhan. Kagalingan sa napiling propesyon. Kapangyarihan. Kaguwapohan.
Six K that best describes the Lizares brothers. So, there's no wonder why everyone, of all ages, are still ogling over him.
Mariin akong napatingin sa kaniyang likuran. Makisig siyang nakatayo sa stand ng podium niya. Taas-noo na parang tanaw niya ang buong mundo sa puwesto niya. Mahinhin din siya kung kumilos. He's actually the feminine version of his brothers. Siya palagi ang umiiwas sa gulo, taliwas sa mga kapatid niyang parang maya't-mayang naghahanap ng gulo sa buhay noong kabataan nila. Mabuti na nga lang at nagbago na simula no'ng magsi-asawa. Lalo na 'yang si Kuya Decart? Naku, ewan ko na lang talaga.
Nang una ko siyang makita at nang una ko siyang mahalin, patpatin pa ang katawan niya noon. If you're going to compare him from his brothers, aakalain mong siya ang bunso sa kanila dahil sa liit ng kaniyang katawan. Ang sabi nga sa akin ni Mama Felicity noon na sa kanilang magkakapatid, dalawa sila ni Darry ang pampered dahil madalas magkasakit. That explained his medyo patpating katawan and malumanay na pag-uugali noong kabataan niya.
Nang magsama na kaming dalawa at magpakasal, doon na unti-unting nagkalamana ang kaniyang katawan hanggang sa naging ganito na ka-firm ang bawat muscles niya sa katawan. Kahit bisy 'yon sa buhay, naisisingit niya ang maya't-mayang pag-i-exercise.
Fricking hell... looking at him now... aakalain mong nasa mid-20s pa rin siya ng buhay niya dahil sa built ng kaniyang katawan at kung gaano ka-soft ang features niya sa mukha. Healthy and strong. Young and fresh. You cannot suspect someone like that na nasa 40s na kaya I can't blame them for still crushing over him.
Tss... if I know, kaya siya nanalo noon dahil guwapo siya. Maraming nagkagusto sa kaniya kaya marami rin ang bumuto sa kaniya. Sabagay, who can't resist a Lizares?
Mayaman. Marangya. Muntik mang bumulusok pa-ibaba, nanatili ang karangyaan sa kanilang personalidad. Kaakibat ng salitang mayaman ang mga Lizares. Kahit kasi anong mangyari, nananatili silang mayaman. Chains of small businesses that people knew nothing about. Lizares Sugar Corporation. Azukal de Lizares. Lizeña Food Corporation. Haciendas. Personal assets. Business stocks. Etceteras. Dinagdagan pa ng mga business na binuo ng kanilang mga anak na mas lalong nagpa-yaman sa mga Lizares ngayon na kapantay na nila ang mga Osmeña sa pagiging mayaman. But the both big families were balance. Kung ano kasing wala sa isa ay nandoon naman sa isa.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
General FictionKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?