TGF - 30

73 2 0
                                    

THE MOVING ON.


Feline Claudineah Montinola Lizares was her supposed name. Kasi babae siya. Babae dapat ang pangalawang anak ko. I should've named her after the two combination names of her Mommyla Felicity and Lola Kristine.

Masalimoot na daan ang napagdaanan ko matapos ang araw na iyon. It's like naging madilim na ang lahat sa akin.

Nakalabas ako ng hospital after two days. Hinang-hina pa rin, pinilit ko na lang ang sarili kong maging matatag sa mga araw na iyon.

Pagkalabas ng hospital, ang paglilibing naman sa sarili kong anak ang inatupag.

I insisted na bigyan ng resting place ang anak namin. Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon man lang, ma-respeto ko ang pagkawala niya sa amin.

Mas lalo lang naging mabigat ang lahat nang harapin ko ang katotohanang kailangan kong i-explain kay Colly ang nangyari sa kapatid niya.

I don't know how I lasted the first few weeks after the loss of my baby. Halos wala ako sa huwisyo. Ang gusto ko that time ay bagsakan ang sarili ko ng sandamakmak na trabaho to keep me busy. All I wanna do is to be preoccupied.

After naming mailibing si baby, days after kong ma-discharge from the hospital, nagtrabaho agad ako kahit na ang advice sa akin ng doktor ay magpahinga muna. Hindi ako nakinig, tumigas bigla ang aking ulo. Wala akong ibang pinakinggan kundi ang sarili ko. But never my hinaings.

And I even don't remember if I did ever explain the death of the baby to Colly. Wala akong ibang kinausap. Kung mayroon man, small talks can do but never about what happened. Nagpakatatag ako. Ipinakita ko sa lahat na okay ako at kailangan kong maging malakas para sa sarili ko.

Kahit na sa kaloob-looban ko, durog na durog na ako.

But nevertheless, hindi ko hinayaan ang kalungkutan na manaig sa akin.

Pero sa kabila ng pagka-trying hard kong maging busy at occupied, I always end up being lonely at night, crying it all out.

And in all fairness with Einny, he was there along the way. He helped me cope out with everything. He never misses a chance. Palagi niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga at kung gaano niya ako kamahal despite what happened and he never blamed me for what happened. He even insinuated an out of the country family vacation for a month. It's to heal, reconcile, and to have the family time we badly needed.

And so we did. Isinama namin si Colly. Sa States kami pumunta since mayroon namang properties ang mga Lizares dito, at para magpahinga, para makapagnilay-nilay.

We've been here for two weeks now. So far, na-achieve naman namin ang family time na kailangan namin pero it never erases the pain I've been through.

Sobrang hirap mawalan ng anak. Sobrang hirap maglibing ng sariling anak. Sabihin na nating hindi ko nga nakasama ang baby for a very long time at hindi naman umabot ng siyam na buwan ang pagdadala ko sa kaniya pero ang makitang hindi mo nabigyan ng buhay ang baby, sobrang sakit na no'n.

A tear escaped kaya dali-dali ko itong pinahiran lalo na't narinig ko pa ang masiglang pagtawag ni Colly sa pangalan ko. Lumingon ako sa mag-ama ko at malawak na ngumiti, tumayo na rin para lapitan silang dalawa.

We're on a lake now, an hour drive from home, at tinuturuan ni Einny mag-catch ng fish si Colly. So far, he's learning very fast. Although I'm kind of sad na kailangang lumiban ni Colly for a month sa klase niya para lang makasama sa bakasyon naming ito.

Pati ang anak ko, ang first born ko, nadamay sa pagkapighati ko.

"Nanay! Look! I catched a fish!" masayang-masaya na kuwento ni Colly nang makalapit ako. Itinaas niya pa ang fishing rod na hawak niya and at the end of it ay isang maliit na isdang nahuli niya.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon