TGF - 31

52 2 0
                                    

THE TIME LOOP.


"Huh? Bakit kamo wala si Ayla?" tanong ko ulit, hindi masiyadong naintindihan ang sinabi ng isang empleyado namin na sa pagkakaalala ko ay Shame Gener ang pangalan. Siya rin ang pina-assign ko para mag-orient at samahan si Ayla back on her first day.

"Masama raw po ang pakiramdam, Ma'am Kiara. Kailangang-kailangan daw pong lumiban," sagot ni Sir Johnson, which is currently the Senior IT Specialist of the IT department.

"O...kay? So, kaninong flowers 'to?" tanong ko pa sabay turo sa isang arranged flowers na nakalapag sa isang bakanteng swivel chair.

Actually, nakita ko kaninang may nagbitbit ng bouquet kaya out of curiosity, sinundan ko ito hanggang dalhin ako sa office ng IT department. And it lead me to knowing that Ayla's absent for today.

Today's a week after that Lakawon Island trip and I am dying to talk to Ayla about them ni Sonny. Hindi nga lang ako maka-insert kasi busy din ako. Kung kailan wala na akong gagawin at puwede ko nang libutin ang lahat ng department at puwedeng-puwede ko nang kausapin si Ayla saka ko naman malalaman na um-absent itong si Ayla.

"Para po kay Ayla, Ma'am."

Oh, my God?!

"From?" may halong excitement na tanong ko. Excited na excited na ako! Will Sonny break the chain of arrange marriage and will finally let go of his feelings and be true to himself? Gaaaah! I'm so excited!

Ch-in-eck ni Shame ang flowers at muling binasa ang nakalagay na note doon.

"Fabio Varca po ang nakalagay, Ma'am."

What? Sino 'yon?

"Okay? Sige, hayaan na muna natin si Ayla. Back to work, guys! And thank you for your time, Sir Johns and team."

Tinalikuran ko sila agad kasi wala rin naman doon ang hinahanap ko.

"Ma'am Kiara, sandali lang po."

Nakalabas na ako ng opisina nila nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, si Shame pala.

"Yes, Shame?"

"Uh... Ma'am, ano lang po... okay naman pong mag-duty ang mga buntis dito po, Ma'am, 'no?"

"Yes, okay naman, as long as hindi pa siya nagfa-file ng maternity leave good for one hundred and five days. Bakit? Sino bang buntis?"

"Ah, ganoon po ba? Kasi, Ma'am, concern ko lang po... ayaw ko po sanang pangunahan si Ayla kasi wala pa naman po siyang sinasabi tungkol po rito, pero po... hula ko po kasi, kaya po absent siya ngayon ay dahil buntis po siya?"

What?

Pinanliitan ko ng mata si Shame dahil sa sinabi niya. She's saying it to me almost a whisper na rin. Nagulat ako sa sinabi niya pero ayaw ko namang maniwala agad.

"Shame, you know it's bad to spread rumors about a person, right? And we highly don't tolerate chismis in this company, right? Totoo man o hindi."

"Ma'am! Opo naman po! Hindi naman po kasi chismis itong sinasabi ko po, Ma'am. Gut feeling ko lang po at kasama na rin po pag-aalala. Kasi po... ang dami ko na po kasing napansin sa kaniya nitong nakaraang araw. Tumaba po siya, tapos po ang gana-gana niya pong kumain, tapos... noong isang araw, nakita ko sa PC niya na nag-search siya tungkol sa pagbubuntis, tapos po ngayon, absent kasi po masama raw ang pakiramdam. Hula ko po talaga, Ma'am, na nabuntis po siya no'ng lalaking nagpadala ng bulaklak sa kaniya ngayong araw, eh."

"You mean that Fabio Varca? Is that some kind of a nickname or a hidden name made by someone na ayaw magpakilala kung sino talaga siya? Admirer maybe."

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon