TGF - 4

96 6 0
                                    

THE GINAMOS WITH CHOCOLATE CAKE.

An hour has passed pero hindi pa rin bumabalik si Einny. Ang sabi kanina ay kasama niya raw si Sonny. Ayoko naman siyang tawagan na ulit, baka nga nagda-drive pa rin.

Nang tuluyang maubos ang kinakain ko, napagpasiyahan kong lumabas muna ng kuwarto. Sa labas na lang ako maghihintay. Mabuburyo lang ako rito sa loob ng kuwarto. Ang hilig ko pa namang mag-overthink.

Kinuha ko ang silk robe ko sa clothes rack at saka lumabas ng kuwarto.

Bumungad agad sa akin ang napakaliwanag na manor. Para bang hindi madaling-araw at gising na gising ang lahat ng tao sa buong manor.

Tinatali ko ang knot ng robe ko habang pababa ng magarang staircase ng manor, iginagala na rin ang tingin sa paligid, probably down there sa living room.

“Naku, Ma’am Kiara! Bakit po kayo lumabas ng kuwarto n’yo po? Ihahatid ko na po sana itong nilagang saging sa kuwarto n’yo po.”

Nasa huling hakbang na ako ng hagdan nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isa sa mga kasambahay, may bitbit siyang pinggan na may lamang nilagang saging. Alam mo, sa dami nila rito, hindi ko pa rin saulado ang mga pangalan nila hanggang ngayon. That’s my next assignment, maybe.

“Gusto kong hintayin si Einny dito sa labas. Doon na lang ako sa may lanai maghihintay.”

“Baka lamigin po kayo, Ma’am. Sa kusina na lang po kayo maghintay kay Sir Einny, Ma’am.”

Napanguso ako sa sinabi ni manang. “Dito na lang kaya sa may sala?”

“Puwede rin po, Ma’am. Sige po, ilalapag ko lang po itong nilagang saging.”

Sinundan ko si manang papunta sa mga sofa. Pinagmasdan ko siyang ayusin ang dala niyang nilagang saging sa malapit na center table.

“G-ginising ba kayo ni Einny kanina para lang magtanong tungkol sa ginamos?”

“N-nagtanong lang po siya, Ma’am, tungkol sa ginamos. At pasensiya na po, Ma’am. Naubos na pala ‘yong stock namin ng ginamos kanina. Kung alam lang po namin na hahanapin n’yo po ngayon, sana po pinagtirhan namin kayo at saka sana po sumabay na lang kayo sa amin kanina.”

Napangiti ako sa kasambahay na iyon. “Nahihiya kasi akong magtanong sa inyo kanina at saka pasensiya na, nabulabog pa kayo ng ganitong oras.”

“Naku! Okay lang-”

“Caridad, bumalik ka na sa kuwarto mo. Nagpapahinga na ang iba. Ako nang bahalang mag-asikaso kay Ma’am Kiara.”

Sumulpot si manang Inday sa usapan naming dalawa. Ah, Caridad pala ang pangalan niya?

“S-sige po…”

Bumalik ng kusina si Caridad pero naiwan naman si manang Inday sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at inaayos pang muli ang inilapag na nilagang saging ni Caridad.

“Manang Inday, okay na po, ako na lang po ang maghihintay kay Einny. Paniguradong darating din mamaya ‘yon.”

“Sasamahan na kita, Ma’am. Bilin din ni Donya Felicity at Don Gabriel na antayin ang pagbabalik ni Sir Einny at Sir Sonny.”

Dahan-dahan akong napaupo sa malambot at napaka-eleganteng sofa habang sinasapo ang lumalaki ko nang tiyan. A month after our vacation slash honeymoon in Thailand, unti-unti nang nagpapakita ang baby bump ko. And it’s so cute, I can’t get enough with it!

Ngumiti ako kay manang Inday at nag-offer pa ng saging sa kaniya. Pero tinanong lang niya ako kung hindi pa ba ako kakain, ang sabi ko na lang na hihintayin ko ‘yong dala ni Einny saka ako kakain. Gusto ko kasi sabay-sabay.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon