TGF - 3

111 7 0
                                    

THE HONEYMOON.


“Oh? Hindi ka pa nagpapahinga?” gulat na tanong niya nang maabutang nakatayo pa ako sa gitna ng kuwarto.

Ngumiti ako sa kaniya at tinanggal na rin ang suot kong eyeglasses. Hindi naman kasi kailangang all the time ay suot ko ‘yon. For emergency purposes only, kung hindi na talaga klaro ang paligid sa akin.

“Let’s go to sleep, love, maaga pa tayo bukas.”

He playfully pinch my cheek and then went to rummage his things. Gusto ko sanang abutin ang kamay niya habang naglalakad siya paalis sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko.

I want this life to be perfect. So… I promised myself that the next time we’re going to make love with each other is when our honeymoon will start. Bukas pa kami aalis papunta sa Thailand. Gusto sana namin malayo pero we can’t take the risk of flying away from home dahil nga buntis ako. Babawi na lang daw kami kapag nakapanganak na ako. Kapag nakalabas na ang baby, lilibutin talaga namin ang buong mundo!

Thailand is fine naman. Actually, memorable na rin para sa akin ang Thailand kasi ito ‘yong first country na napuntahan naming dalawa. Kaso… we’re not together that time. Their whole family went to Thailand to celebrate Christmas and New Year there. I went with Daddy. Wala lang, salimpopot. Minsan kasi ay mahilig akong sumama kay Daddy sa mga business venture niya. So… we accidentally saw each other’s presence there kaya ayon… parang tanga. Nagpa-cute lang ako sa kaniya the whole time we got to have dinner together pero hindi pa rin niya pala napapansin ang pagpapa-cute na ginawa ko. Parang tanga talaga.

Kinabukasan, diretso na kami ng airport pagkatapos. Inihatid pa nga kami ng mga magulang niya. Parang ayaw pa kaming pakawalan kahit na ilang linggo lang kami roon. Ang cute lang din kasi ni Mama Felicity kasi parang gusto niya pa talagang sumama sa lakad namin. Kung hindi lang siya siguro napigilan ni Papa Gabriel, baka talagang sumama na siya sa amin. Kahit pa siguro sa airport na siya bumili ng plane ticket, talagang kakarerin niya para lang makasama sa amin. She even ought to be there in a few weeks daw.

Hindi naman ako nairita na nanghihimasok siya sa buhay namin, parang natuwa pa nga ako kasi ang cute lang. Talagang ipinaparamdam niya sa amin na she will always be there for us every step of the way. Handa siyang i-guide kami sa lahat ng phases ng marriage namin. I stan that kind of mother-in-law.

‘Yong Mommy ko kasi… although, yeah, she’s supportive pero mas gusto niya ‘yong mag-learn kaming dalawa ni Einny on our own, discover our own differences and everything.

The both families are so fine. Alam ko namang parehong may ambag sa buhay namin ni Einny ang dalawang pamilya and willing naman akong tanggapin ang mga ambag nila sa buhay.

Every second of the day, pinaparamdam ni Einny sa akin kung gaano niya ako ka-mahal. Kahit sa simpleng paghawak lang ng kamay ko during our flight, paggiya sa akin sa tamang daan, pag-akbay sa akin, pag-offer sa akin ng jacket to cover-up the coldness, kahit simpleng actions lang, sobrang appreciated ko na. Lahat pinaramdam niya sa akin.

Kung gaano siya katahimik pagdating sa ibang tao… ganoon siya kadaldal para lang maalagaan ako.

Our first stop is Phuket, Thailand. We just want to have the peacefulness here on earth na mas pinili naming hanapin ang peacefulness sa dagat.

Oo, alam kong may dagat sa Pilipinas. Ano bang pakialam n’yo kung mag-alone time kaming dalawa? Honeymoon naman namin ito. Katatapos lang naman ng kasal namin. Kahit na may nabuo na kaming anak, we still deserve a honeymoon.

Bakit ba ako nang-aaway ng iba? Ugh! Hormonal imbalance. Pregnancy hormones. Whatever.

I was already exhausted when we arrived but thanks to the sea, biglang nawala ang pagod ko. Hinawi ko ang drapes ng kuwarto namin at sinalubong ang malamig na hangin na galing sa dagat.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon