THE MANILA TIMES.
Nagpalakpakan kaming lahat matapos ang performance ni Siggy. His brothers are here to personally support his competition. Mukha mang tarantado itong Lizares brothers na ito, they’re willing to support naman every passion their brothers have.
After a month, the year changed. Nandito kami ngayon sa Manila. I was suppose to attend Mikan’s birthday tonight pero dumaan muna ako, kasama ang magkakapatid, sa competition na ito ni Siggy. He doesn’t know we’re here at saka a-attend din naman ang Lizares brothers sa birthday celebration ng bestfriend kong si Mikan. Busy ‘yon ngayon kaya hindi niya mapapansin na mali-late kami, lalo na ako.
To cut the story short, Siggy won that DJ competition. Magaling din naman kasi. Marami na rin siyang naging fans dahil nga magaling naman talaga. Siggy pa, nasa dugo na yata talaga ang pagiging magaling sa kahit anong klaseng larangan.
Pinuntahan namin siya at doon lang niya nalaman na nandoon kami. Nagulat pero hindi naman nagalit. Mukhang natuwa pa nga sa naging presensiya namin. Hindi man naipahalata ni Siggy na natuwa siya sa presensiya ng mga kapatid, alam na alam kong natuwa talaga siya.
Napag-usapan ng magkakapatid na pupunta na kami sa venue ng birthday celebration ni Mikan. Susunod na lang daw si Siggy since he knew naman daw kung saan. At may mga kailangan pa raw muna siyang asikasuhin at kilalanin or whatever his hanash in life there.
Kaya nang makarating sa venue, late nga kami. Everyone’s having fun na pala.
Naging busy din agad sa pagbati sa birthday boy at sa mga kakilalang nandito rin sa exclusive party ng mga Osmeña.
Gosh! Na-miss kong um-attend ng parties ng mga Osmeña. I haven’t joined them since Mikan decided to study in Manila and since I’m with Einny.
Mas lalo lang din akong natuwa nang makita na ang pinakamagandang kaibigan na mayroon ako. Sabi na pupunta itong babaitang ito sa birthday ni Mikan, e. She wouldn’t miss this one. Malakas si Mikan sa kaniya, e. At paniguradong pipilitin din ni Mikan itong pumunta.
But looking at her right now, ang daming nagbago sa kaniya ngayon. She looks beautiful as ever! Mas maganda pa sa huling pagkakakita ko sa kaniya sa screen.
Matapos batiin ang mga kakilala, we settle down a bit and indulge ourselves with the foods and drinks. Minsan din nakikisabay sa tugtugin. Ang saya lang. This is the Osmeña vibe I want in my life. Ang yaman yaman ng pamilyang ito pero kung mag-organize ng party parang ang simple lang, pinoy na pinoy talaga. Walang sosyalang nagaganap at hindi talaga nawawala ang iconic videokemachine na palaging present sa mga ganitong klaseng celebration sa family nila. Ang saya lang talaga!
After the chaos of meeting and greeting everyone, sa wakas ay magkakaroon na ako ng chance para makipag-chikahan kay Sandi. Salita lang ako nang salita sa kaniya and I like that she always listen. Parang kulang na kulang ‘yong mga sinabi ko sa kaniya no’ng minsang makipag-video call kami with each other. Share ako nang share sa kaniya tungkol kay Colly.
“Why did you cut your hair, by the way? I’ve been wanting to ask you that question since I saw you from the screen,” out of nowhere ay naging tanong ko matapos magkuwento ng kung ano-ano.
Napansin ko na rin ang buhok niyang iyon nang mag-usap kami but hindi na ako nagtanong pa. Akala ko kasi p-in-onytail niya lang. It’s short talaga in real life.
“Wala lang. You know naman na I’ve been wanting to cut my hair ever since, right? Mom just didn’t allow it though.”
“She approved it now?”
Bigla ay naalala ko ang araw nang minsang kausapin ako ni Tita Cindy. It was days after the news of Einny and I’s wedding broke out. I went to her to personally ask her to be one of our Principal Sponsors sana since she’s my bestfriend’s Mom and kilala ko rin naman siya. But that talk turned out to be kind of disastrous in my part. Sinabihan niya ako ng mga salitang I never imagined that came out of her mouth. Bakit daw ako magpapakasal in a young age. Marami pa raw akong kailangang i-explore instead of burying myself with the Lizares.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
Genel KurguKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?