TGF - 35

64 4 0
                                    

THE COUSIN.


Kumalma si Mommy. Kumalma ang lahat. Kaya umalis ako at agad pinaharurot ang kotse papunta sa kung saan. Gusto ko munang magpahinga. Pagod na pagod na ako.

Sa totoo lang, hindi pa ako handang pag-usapan kung ano man ang nangyayari sa amin ni Einny ngayon. It's just that Mommy bursted my bubble of patience kaya ko nasabi iyon.

But I'm not going to do that today. Maghintay sila kung kailan klaro ang pag-iisip ko at hindi muna nalulunod sa pighati nang pagkawala ni Daddy. Sana maintindihan nila iyon. Sana respetuhin nila iyon.

Ilang oras akong nawala at nagmuni-muni.

Naghahanap pa lang ako ng parking space sa loob ng resort, irap at iling agad ang una kong ginawa.

Murag mo sulirap akong mata sa kalagot oy.

They are standing abruptly at the entrance of the function hall. Nasa tapat din nito ang kotse nila. Pero sa tapat ng hotel rooms ako nag-park, opposite kung saan sila nakatayo ngayon.

Sinadya kong bagalan ang pagpa-park na ginagawa ko. Probably my whole action.

The sun is down now. Madilim ang buong resort at tanging ang ilaw sa function hall lang ang nakabukas. Unti-unti ko na ring naririnig ang huni ng kuliglig sa paligid ng resort pagkalabas ko ng kotse.

I was driving around town pag-alis ko kanina sa sementeryo. Walang tigil na pagda-drive kahit saan man ako dalhin ng kotse kong ito. Nilibot ko ang halos buong Escalante sa loob lang ng tatlong oras na pagkawala ko. But it was almost sun down when I decided to take a rest and nagtagal ang pananatili sa isang burol na pag-aari ng mga Lizares pero nagsisilbing boundary ng lupain ng mga Lizares at Osmeña.

Nagpahangin. Nag-isip. Naghanap ng kapayapaan sa buhay. Thinking that the problem will somehow go away. But who am I kidding? Parang tanga, Kirsten Ara Lejandra. Babalik din naman ako sa dating problema kapag hinarap ko na sila at makikipag-usap na.

And here it comes...

Tinawagan ako ni Mefan kanina habang malalim ang aking iniisip sa tuktok ng maliit na burol na iyon. Kakausapin niya raw ako. Alam ko na naman kung tungkol saan. Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? You think he'll gonna comfort me with Daddy's death? Asa ka pa.

Matagal na kaming hindi nagkikita at nagpapansinan ni Mefan. I don't know since when basta ang alam ko hindi ko na siya nakikita sa family gatherings ng mga Montinola, kailan ba um-attend 'yon? Pero makikita ko na lang sa Facebook na um-attend siya ng family reunion ng mga Barcelona. Hindi ko na pinansin ang tungkol doon dahil naiintindihan ko namang pareho na kaming adults and living our own lives, focusing on our own families.

I mean, it wasn't that big deal kasi matagal na naman siyang ganoon. It was that when Farrah's issue about her pregnancy started to roll around the area, mas lalo siyang naging mailap sa aming mga Montinola.

Saka ko lang napagtagpi-tagpi kung bakit hindi na niya ako pinapansin nang malamang si Einny ang ama ng anak ni Farrah. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi na niya ako pinapansin, mas malapit nga pala siya sa mga Barcelona kaya hindi na nakapagtataka kung papanigan niya si Farrah sa laban na ito.

And... laban? Seriously, Kirsten? Do you think this is war?!

Maybe.

So anyway, kay Ate Penny ko nalaman ang tungkol sa pagbubuntis noon ni Farrah and anything in between. Baka akala n'yo kay Mefan ko nasagap ang lahat ng iyon. It was Ate Penny and Tita Lillian who filled me the gap.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon