THE HIGH SCHOOL LOVE.
Yohansson Mario R. Osmeña was my first love. I know. He is. He was.
Akala ko kaya kong komprontahin siya sa nararamdaman ko at akala ko may gusto rin siya sa akin. Pero hindi ko pala kaya. Instead of letting it out, mas lalo kong ibinaon sa limot ang lahat ng nararamdaman ko sa kaniya.
But as the days continue and our lives as well, mas lalo lang lumalala ang nararamdaman ko sa kaniya, mas lalong nag-grow, mas lalong grumabe. I didn’t know na ‘yong pagtatago sa feelings ko na iyon sa kaloob-looban ko, expecting that somehow it will fade away, na baka nga infatuation lang, ay mas lalo lang lumago dahil may palihim na dinidiligan ito, palihim na inaalagaan, palihim na pinapayabong.
Lahat na lang ginawa ko para makalimutan ang feelings ko sa kaniya. I tried diverting my attention to my hobby, which is latin dancing. I tried diverting my feelings to those guys na nanliligaw sa akin. Sinasagot ko sila, half-heartedly. Kasi at the end of the day, palaging si Yohansson ang naiisip ko sa kanila.
In three years, nagkaroon ako mahigit sa sampung boyfriends. Iba-iba. I easily break them off kapag nalalaman kong nakikipag-break din si Yohansson sa girlfriends niya. I easily break them off kapag nakikita ko na si Yohansson sa mga mukha ng mga lalaking iyon. I easily break them off kapag ibinibigay na ni Yohansson ang atensiyon niya sa akin.
In short, I played. I tried playing, baka sakaling makalimutan ko ang nararamdaman ko sa Yohansson na iyon.
But to no attempt, hindi. It never went away. Thus, mas lalo lang itong nag-grow. Mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya.
He, himself was the one who cultivated that feelings inside of me for it to grow more. Kapag pareho kaming walang karelasyon, we will spend our time together. Madalas kaming nagsasama kasi in the most unusual way, mas gustong ma-solo ni Mikan si Sandi. So palaging maiiwan kaming dalawa ni Yohansson. That short lived moments that we shared together, doon lumago ang nararamdaman ko sa kaniya.
If you’ll gonna ask me how it ended up with us, or what happened to us, it went the other way around. It happened in the most wretched situation.
Mas lalong nadurog ang nararamdaman ko nang malaman ko na crush ni Sandi si Yohan.
But still, I waited for him to confess. Hanggang sa bigla siyang umalis para pumunta ng ibang bansa sa hindi ko malamang dahilan, naghintay pa rin ako. I patiently waited until my heart suddenly gave up. Biglang napagod. Biglang wala nang naramdaman para sa kaniya. Biglang naubusan ng rason para maghintay kung kailan siya magco-confess. With just a poof, everything went gone.
Kasi sa pagbabalik niya mula sa kung saan man siyang pumunta, bigla ring nawala ang nararamdaman ko sa kaniya.
I didn’t know that the heart is capable of doing so. ‘Yong kaya niyang iwala nang biglaan ang nararamdaman mo sa isang tao. ‘Yong para bang dahil sa pagod sa paghihintay kung kailan siya magmi-make move ay kusa rin itong nawala talaga.
I silently gave up. Ang ilang taon kong palihim na feelings para sa kaniya ay nawala na dahil sa pagod sa paghihintay.
But fate sometimes can be tricky. Kung kailan nakilala ko na ang bagong magpapatibok ng puso ko. Kung kailan handa na akong magmahal ng iba, saka naman siya biglang umamin, saka naman siya biglang bumalik.
He confessed his feelings for me. It took long before he could confess kasi naduwag siya, natakot siyang masira ang pagkakaibigan naming dalawa, at takot din na baka hindi ko tanggapin kung anong nararamdaman niya sa akin. Right from the start, ako lang naman talaga ang minahal niya. He confessed that he wants me. He wants to be with me. He wants me to be his girl, he wants to marry me. Magkaroon man kami ng anak o hindi, gusto niyang ako lang ang makasama niya. Tanggap niya ang situwasiyon ko sa PCOS. Tanggap niya kung hindi man kami magkaroon ng anak. Tanggap niya ang lahat sa akin. He loves me. He is devoted to me.
BINABASA MO ANG
The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)
BeletrieKiara Montinola wants peace in her life. Will peace be serve when she's with the man of her life?