TGF - 25

50 4 0
                                    

THE WHITE FLAGS



After this fireworks display, uuwi na ako. Patatapusin ko lang talaga 'to.

'Di ba ang sabi ko kanina kakausapin ko si Yohansson? Fate did its work kasi si Yohansson na mismo ang lumapit sa puwesto namin.

Busy siya sa hawak niyang controller ng drone. Nilapitan siya ni Mikan para makiusyoso sa kinukuhanan ni Yohansson.

I have no interest on looking at it kasi nawalan na talaga ako sa mood pero bigla ba namang lumapit sa akin para ipakita sa akin kung anong kasalukuyang nakukuhanan ng drone niya as the fireworks blast in the dead air and the crowd's enjoying with the party.

Sinabayan ko na lang, ayaw ko namang maging rude.

Naramdaman ko ang marahang pagkalabit ni Sandi sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. May tinitingnan muna siya bago niya sinalubong ang tingin ko.

"Your mother and father-in-law are here?" tanong niya.

"Yep. They're here to support Siggy."

Hindi na ulit kami nakapag-usap ni Sandi dahil sa maya't-mayang may gustong kumausap sa kaniya.

At ang plano kong umuwi na ay hindi na natuloy pa. Natapos na lang si Siggy sa session niya, hindi pa rin ako nakakauwi.

Saka lang yata akong nakauwi nang matapos kong udyokan si Sandi na makipag-usap na kay Siggy dahil they really need the talking. Kailangan nilang mag-usap. Kailangang-kailangan.

Inakbayan ko si Hoover as I watch Sandi and Siggy disperse from the crowd. Sabay kaming lumingon ni Hoover sa isa't-isa kaya ginulo ko na lang ang buhok niya. Ang cute talaga ng little brother na ito ni Sandi. Dati ang sungit-sungit niya pero ngayon binatang-binata na.

"I can take care of myself now, Ate Kiara. Nandito naman ang body guards at personal assistant ni Ate Sandi para samahan ako sa pagbabantay sa dalawa ko pang Ate. I think you need a rest, Ate Kiara."

Muli kong nahawakan ang buhok ni Hoover to appreciate what he said.

"Ihahatid ka ni Kuya Mikan mo. Right, Mikan?"

Pabiro ko lang dapat 'yon, pang-asar sana kay Mikan, pero ang walang hiya, mukhang sineryoso yata ang sinabi ko.

"Mabuti pa nang makapagpahinga ka na, Kiara."

I unconsciously rolled my eyes dahil sinakyan nga ni Mikan ang pagbibiro ko sana. I have no other choice kundi ang sundin ang sinabi niya dahil sinegundahan din ng biglang sulpot na si Tonton.

Mas lalo lang akong napa-irap dahil sa pinagsasabi nitong si Tonton. Por que't ba agaw-pansin silang dalawa ng babaeng mahal niya kanina ay ako naman ngayon ang lalapitan niya para ipaalam at ipaalala sa akin na...

Oo nga pala. In times like this ko pa talaga makakalimutan ang tungkol sa situwasiyon ko ngayon?

I didn't argue with Tonton anymore but before I bid goodbye with some people here, nilapitan ko muna si Einny, ang asawa ko.

Palapit ako sa puwesto ng asawa ko nang mapansing abala siya sa pakikipag-usap sa iba pang kakilala. Bahagya kong binagalan ang lakad ko sa napansin.

"Kiara!"

"Ate Kang!"

"Kirsten!"

"Hi, Kiara!"

"Mrs. Lizares, magandang gabi!"

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon