TGF - 27

59 2 0
                                    

THE LOST ONE.


Lumingon sa likuran ko ang babaeng sumagip ng buhay ko kaya napatingin ako sa tinitingnan niya ngayon. May isang kotseng sumalpok sa isang puno, a few meters away from where I stood a few seconds ago. Nagkakagulo na roon ngayon. Safe na ako pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko kayang mapakalma.

"I almost got hit by that! Thank you for saving me!" sinserong sabi ko.

It's true that habang pinupulot ko ang tumbler kanina ay may naririnig akong malakas na busina from somewhere pero dahil masiyadong lutang ang pag-iisip ko ng mga segundong iyon, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko.

Kung sigurong walang humablot sa akin at nagpatuloy akong magpakatanga sa gitna ng daan na iyon, paniguradong inararo na ako ng kotseng iyon. Pati siguro ako ay nasalpok na sa punong iyon.

"W-walang anuman," mahinang sagot niya.

I am so overwhelmed with her saving me kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.

Hindi lang buhay ko ang sinalba mo, pati rin ang buhay ng anak ko.

Kinilala ko siya and even treated her to the nearest resto na plano ko na talagang kainan kahit kanina pa. Her name's Ayla Encarquez. She's seeking a job. Luckily I remembered that I am now the HRD Director. She saved my life. She needed a job. And she deserve this new position I just made up a few minutes after talking to her.

Wala naman talagang vacant position sa central ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Ayaw niyang tumanggap ng pera bilang pa-thank you man lang sa ginawa niyang pag-save sa akin. Halos nga hindi niya rin tanggapin ang kinain naming lunch, mabuti napilit ko siya kaya kumain. It's the least that I can do. She's an angel. Bukod sa literal na mukha siyang anghel, she's an angel to me and my baby. She saved our life. Bahala na kung anong magiging reaksiyon ng boards and executives kapag nalaman nilang may pinapasok akong wala naman sa plantilla ng central.

When I asked Mrs. Oro, our Recruitment Staff, about the vacant position in the IT Department, sumagot siya ng no kasi wala naman talagang bakanteng posisyon ngayon doon. Kinapalan ko na lang talaga ang mukha ko para ma-assure si Ayla na may trabaho nga siyang makukuha sa akin. Bahala na talaga kung anong kahihinatnan ko nito kay Darry at Papa Gabriel.

Ayla, ang laki ng utang na loob ko sa 'yo. You saved my life, you saved our lives. Thank you for being attentive.

She's Aylana Rommelle A. Encarquez. She's from Escalante City like me. She needed a job, I provided her one. She saved my life. I owe her a lot. Kaya bahala na talaga kung paulit-ulit ako ngayon at kung questionin man ako ni Darwin tungkol sa biglaang pagdagdag ko sa plantilla ng tao sa central.

Mahigit isang oras ang lunch naming dalawa. Kung hindi ko lang nakita si Samuel from outside the window of the resto we're in, hindi mapuputol ang usapan naming dalawa kahit na sumatotal ay ako lang naman talaga ang tanong nang tanong tungkol sa kaniya at isang sagot lang siya sa lahat nang naging tanong ko.

I know. I know. She's a silent type person kaya mas lalo kong nakikita sa kaniya ang resemblance ng isang anghel dito sa lupa even though I haven't seen one. Maamong mukha, tahimik na personalidad. Perfect for an angel.

"See you tomorrow, Ayla! I'll be expecting you!" I enthusiastically said as she bid her goodbye. Nag-bow lang siya sa akin at evident pa rin na parang nahihiya talaga siya sa akin.

Maybe she knew that I'm a Lizares' wife. Or baka familiar ako sa kaniya bilang isang Montinola. Kanina ko pa kasi napansin na gulat na gulat siya sa presensiya ko at parang ang lahat ng sasabihin ko ay nakamamangha para sa kaniya.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon