TGF - 24

52 3 0
                                    

THE FIESTA.



"Yohansson Mario, tungkol sa ano itong alam mo na hindi ko alam? Care to explain? Alam mong ayaw kong nagiging tanga sa kahit anong bagay na involve ako. What's the tea with Farrah? Bakit kailangang maging threat ang pag-uwi niya rito sa Pilipinas? Anong kinalaman ni Farrah dito, Yohansson?" sunod-sunod na talagang tanong ko. Tini-trigger ako nitong Yohansson na 'to, eh.

"Seryosong hindi mo alam?" Masama kong tiningnan si Yohansson dahil sa naging tanong niya. "Seven years with Einny yet you know nothing?"

"Ano ba kasi ang hindi ko alam na alam mo? Puwede bang sabihin mo na lang nang matapos na ang lahat ng ito?"

Mabigat siyang nagbuntonghininga at hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Yohansson, puwede ba? Alam mong ayoko ng pasikot-sikot-"

"I don't think so I have the right to tell you this. Ayokong manghimasok pero kung ganitong hindi mo pala alam, dapat lang na malaman mo na. You knew that I don't want to see you hurting, right?"

"Yet you did, right? You did hurt me."

Napaiwas siya ng tingin sa akin at mababakas sa mukha niya na guilty nga siya sa sinabi ko. Ayaw nga niyang nakikita akong nasasaktan pero nasaktan niya pa rin ako noon.

I've moved on, bakit nga ba napapasok pa sa usapan namin ito?

"Kirsten..."

"Sabihin mo na lang kasi ang dapat na malaman ko, Yohansson, nang matapos na tayo sa usaping ito."

"Can we just please sit down first?"

Marahas akong nagbuntonghininga, hindi na nga naitago ang iritasyon sa cliff hanger na ginagawa ngayon ni Yohansson. Papatayin ako sa kaba nito, eh.

"Fine!" agad akong pumunta sa malapit na sofa ng malawak na living room ng mansion at umupo.

Sumunod naman agad si Yohansson sa kalmadong paraan naman.

Sumandal ako sa back rest ng sofa at nag-cross arms na sinundan siya ng tingin sa kaniyang pagkakaupo.

"Go, tell me. Everything I need to know."

Kumalma ka, Kiara. Hindi ka outrageous na person kaya 'wag kang mag-a-outrage d'yan without valid reason.

"Alam mo na naman siguro na ex-girlfriend ni Einny si Farrah, 'di ba?"

Oh, my god? What?!

Parang mababali ang leeg ko sa paglingon kay Yohansson dahil sa sinabi niya.

"What did you just say, Yohansson Mario? Ex-girlfriend ni Einny sino?" gulat na tanong ko pa, kinaklaro na rin ang lahat. Baka nga namali lang ako ng pandinig.

"Hindi mo alam, Kirsten?"

Gusto kong tampalin ang noo nitong si Yohansson na ito dahil sa mga sinasabi niya. Pigilan ninyo talaga ako. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sa kaniya kung papasikut-sikutin niya pa ako ngayon.

"Don't bullshit me, Yohansson, ha? Hindi talaga ako nakikipagbiruan dito."

"Hindi rin ako nakikipagbiruan, Kirsten, talagang seryosong hindi mo alam na nagkarelasyon si Farrah at Einny noon?"

"Sa pagkakaalam ko, at hindi ko naman talaga makakalimutan ito, ako lang ang naging girlfriend ni Einny. Wala siyang naging ex, Yohansson. Baka 'yang sinasabi mong relasyon ay 'yong pagiging magbarkada nila. Kasi noon pa lang, magkabarkada na sila. Kasama pa nga ang mga nakatatandang pinsan mo sa barkadahan nilang iyon, eh," I said with final conviction na sinabayan ko ng pagtayo.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon