TGF - 5

80 5 0
                                    

THE GIRL BESTFRIEND.

“May dinner kasi kami tomorrow with the Osmeñas. Kailangan kompleto ang pamilya. But Siggy’s persistent na hindi um-attend bilang nasa Manila raw siya ngayon. E, ‘yon, pinuntahan ni Kuya Decart at Einny sa Manila para mapauwi since ilang buwan na rin na hindi umuuwi ‘yon after ng kanilang fight with his parents. Sana nga mapauwi nina Einny. Magpa-Pasko pa naman,” malungkot na sabi ko.

I didn’t actually witness the fight between my in-laws ang Siggy. Sinabi lang sa akin ni Einny ang tungkol doon. Nagulat na nga lang ako nang malamang nasa Manila na si Siggy at doon na raw nag-transfer. Sa pagkakaalala ko naman, okay naman ang status niya sa La Salle. Hindi ko rin masiyadong nakakasalamuha si Siggy kasi nga madalang ko lang siyang makita rito sa manor. More on Sonny at Kuya Decart lang kasi sila ang madalas na nandito.

“Nag-away si Siggy at ang parents niya?”

Bumalik ang tingin ko sa phone dahil sa biglang narinig from Sandi. Did I hear it right? Na parang sumigaw siya at parang nagulat sa sinabi ko?

“Yeah. It started kasi few months after my wedding. Mga July yata or June? Something in between. Bigla kasing nag-declare si Siggy na magta-transfer daw siya sa DLSU. E, siyempre nagulat ang parents niya kasi stable naman ang status niya sa USLS kaya bakit magta-transfer nang biglaan? So, hindi nag-agree si Mama at Papa. Pero pinagpilitan niya kasi ‘yong gusto niya kaya ayon, nag-away sila. Ilang buwan nang hindi umuuwi rito sa Negros. Ang sabi nasa mansion lang daw ng mga Lizares sa Manila. Pero sa pagkakaalala ko, pati ‘yong ka-a-acquire lang na penthouse nina Mama at Papa for Darry ay hiniram niya pansamantala. Siguro ginawang studio or something. Hindi na rin nila inalam, e,” mahabang kuwento ko, napapatingin na rin sa may gate ng manor na kitang-kita from my puwesto.

“N-nand’yan ba si Siggy, Ki?”

Una kong natingnan ang wrist watch ko bago ang gate. Last message ni Einny kanina, pauwi na raw sila.

“Hmm, ang sabi ni Einny, pauwi na raw sila from the airport. Siguro later dadating na rin sila.”

After I said that, agad akong may na aninag na kotseng papasok ng gate ng manor. Wala sa sarili na lang akong napangiti. It’s been a day pa lang na umalis si Einny pero miss na miss ko na siya. And he's finally here!

“Oh, they’re here na pala!”

Sa sobrang excitement ko, agad akong umalis ng lanai para masalubong ang pagdating nila. Hawak ko pa rin naman ang phone ko. But I’ll deal with Sandi later.

Nasa bukana na ako ng main door ng manor nang makapasok sila. Agad akong lumapit kay Einny at binati siya.

“Sinong kausap mo?” tanong niya after nang batian.

“Oh, it’s Sandi.”

Tinabihan ako ni Einny at sabay naming tiningnan ang screen. Ngumiti siya kay Sandi sa screen at bumati na rin. Ikinukuwento ko lang kay Einny si Sandi. Pero alam ko naman na kilala naman talaga niya si Sandi.

“We were catching up. Mabuti nga’t na-contact ko na siya after a very long time. By the way, sumama ba talaga si Siggy sa inyo?” tanong ko pa sa kaniya kasi siya pa lang ang napansin kong pumasok ng manor. Baka nasa labas pa si Kuya Decart. I don’t know.

“Sige, mag-usap muna kayong dalawa. Kakausapin lang namin ni Kuya Decart si Siggy. And yep, kailangan niyang sumama kung ayaw niyang ma-cut ang cards niya.”

“What? Kakausapin n’yo na naman ako? Hindi pa ba tapos ang pag-uusap natin kanina sa kotse?”

At parang on cue ay sumulpot si Siggy. Nasa likuran niya si Kuya Decart kaya binati ko na lang silang dalawa.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon