TGF - 37

67 4 1
                                    

THE DECISION.


Matinding pag-irap ang nagawa ko dahil sa mga pinagsasabi ng magkapatid. Napaahon tuloy ako sa kinauupuan ko para matingnan silang dalawa, at ipakita ang pag-irap na ginawa ko.

"Hindi talaga kayo nakakatulog kapag hindi napag-uusapan ang pulitika, ano?" sarkastikong tanong ko pa, medyo naghalungkat na rin sa mga natirang pagkain sa table namin.

Erico snorted a laugh from my side. Pinasadahan ko siya ng tingin. Gising pala siya, nagtulog-tulogan lang yata.

"Kung ako sa 'yo, Kiara, tanggapin mo 'yang offer ni Kuya. Tumakbo ka. Ipamukha mo sa manloloko mong asawa na kaya mo ring gawin ang mundong ginagalawan niya."

"Uh... disclaimer lang, Kirara, pero hindi pa nakakapag-move on 'yang pinsan mo sa ginawa ng asawa mo."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ate Aya at Erico.

"No, really, if you want to take a revenge to him, this is the right way, this is the easiest way. Ipamukha mo sa kaniya na kaya mo ring pasukan ang mundong ginagalawan niya, ang mundong matagal nang ginagalawan ng angkang pinanggalingan mo. You have the guts, you have the glory, you have the support. Take the risk, Kiara."

"Correction, I don't have the support," I strongly disagree. "Yes, kilala nga ako ng iba dahil apo ako ni Lolo Ramon, anak ako ni Daddy Alejandro, pamangkin ako ni Tito Ram, pinsan ako ni Kuya Amell, at asawa ako ni Einny Lizares but it doesn't mean na kaya nilang mag-take ng risk na ibigay sa akin ang nag-iisang boto nila. I'm just a mere working housewife. Yes, I came from the family of politicians pero hindi ibig sabihin no'n na kasing galing na nila ako sa pamamahala ng isang ciudad. Wala akong kaalam-alam sa pagpapatakbo ng isang ciudad. So, no, I won't take the risk."

Binalingan ko ng tingin si Erico dahil siya naman ang huling nagsalita. Napatingin lang din siya sa dalawang kapatid bago siya umayos sa pagkakaupo, tuluyan na yatang nabuhayan ang inaantok na espiritu.

"Hindi mo naman pamamahalaan solely ang ciudad na ito. Councilors were born to be a support system to the Mayor. Yes, they have the power to make ordinances but that's it, 'yon lang ang kaya nilang gawin. They're basically the Mayor's galamay and help in making this city as peaceful as ever. Kakayanin mo, Kiara," sabi ni Kuya Amell, halata sa boses na ini-engganyo nga niya ako.

"So patatakbuhin mo ako para maging galamay mo? May balak ka bang maging corrupt politician kaya mo ako pinapatakbo ngayon? No way! Ayokong tumakbo kung magiging galamay mo rin naman pala ako," I said innocently but with a hint of kidding. Agad nga'ng tinawanan ni Ate Aya ang sinabi ko. Si Kuya Amell naman ay napangiwi na lang sa sinabi ko.

While Erico... he pass his phone to me.

"Contrary to what you said, yes, you have the support you needed. Enough para ma-convince kang tumakbo bilang bagong konsehal ng ciudad na ito."

Confuse man sa sinabi ni Erico, sinenyasan lang niya ako na i-check ang kung anong mayroon sa phone niya. Kahit nagtataka, tiningnan ko pa rin ito habang nagpatuloy sa pagsasalita ang magkakapatid.

Pilit kong inaninag kung anong puwedeng makita sa phone ni Erico.

It flashed on the screen something like a PDF or excel word? Oh, no, it's a screenshot of an excel file that flashes on bold letters the name 5. Kiara Montinola Lizares.

"What's this?" tanong ko pa habang binabasa kung anong laman no'ng screen shot na iyon.

"Nakapag-aral ka naman sa magandang school, marunong ka namang magbasa, basahin mo na lang, Kiara."

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon