TGF - 12

49 3 0
                                    

THE GALWAY GIRL.


“Wait, what? Seryoso?”

“Huh? Seryoso ang ano?”

“You just said it. You were dreaming of Sandi, so it means you like her. May feelings ka kay Sandi? You really like Sandi? Don’t tell me the song Millie… it was for her? It was for her?!”

“Yep? Hindi ba obvious?”

“Oh, my god! So my hunch was right?”

Wait, teka lang talaga! Tama ba itong naririnig ko from my very own bestfriend?

“You had a hunch? Since when? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“E, bakit hindi mo sinabi sa akin na may gusto ka na pala sa kaibigan natin? I felt betrayed! Hindi mo man lang sinabi sa akin.”

Natawa si Mikan sa medyo hysterical na naging tanong ko. Sino ba naman kasi ang hindi maghi-hysterical? Although, yeah, may idea na naman ako at matagal ko na rin namang napapansin pero iba pa rin talaga kapag nanggaling talaga mismo sa bibig ni Mikan. Hirap akong paniwalaan.

“Lakas ng feeling betrayed, ah? Sasabihin ko na naman dapat sa ‘yo pero hindi ko na tinuloy nang malaman kong sila na ni Siggy. Mas lalo kong hindi sinabi sa ‘yo nang makita kong tuwang-tuwa ka nang malamang mag-on na ang bestfriend mo at ang brother-in-law mo. There’s no use of telling you kasi hindi ko rin naman makukuha ang support kasi for sure namang mag susuportohan mo ang brother-in-law kaysa sa bestfriend mo.”

“Hey! Stop that. Hindi kaya! Yes, I’m rooting for Siggy and Sandi but knowing what happened to the both of them now, parang malabo na ring magkabalikan silang dalawa. You know what, Mikan, kahit hindi natin sabihin sa isa’t-isa ang mga problemang mayroon tayo, just always keep in mind that I’m here, ha? Handang makinig, handang magsalita. Now, if you really like or love Sandi, maybe it’s time to pursue her? Sabihin mo sa kaniya. Alam mo naman ang kaibigan nating iyon, medyo makapal ang balat kaya manhid.”

“Yeah, right.”

Natawa si Mikan sa sinabi ko kaya sinabayan ko na rin siya. Pareho naming natingnan ang bonfire sa harapan namin. Walang nakapagsalita. Hanggang sa dumating na ang tatlong pinsan nila na kanina pa naming hinihintay. Ibinigay kay Mikan ang acoustic guitar and then started his forte.

I feel at home whenever I’m surrounded with the Osmeña. Kapag sila ang kasama ko, parang kasama ko pa rin ang mga pamilya ko. I can feel a sense of familiarity with them. Iba talaga sa pakiramdam. Noong huling join ko sa ganitong bonding nila ay noong high school pa but it feels like yesterday lang. Wala pa ring nagbago. We aged but it’s the same. The booze, laughter, stories, games, all kinds of jokes, and fun are still there. At home na at home ka talaga sa Osmeña. They are the epitome of a family you want in life. Swear.

Nakakatuwa lang kasi maski ang mga Lizares ay kayang sabayan ang trip sa buhay ng mga Osmeña’ng ito. Lahat nagtatawanan, lahat nagsasabayan sa kantahan, kuwentuhan, at tagayan. Never knew I’d be able to picture out the Lizares and Osmeña together like this. Kahit na in the near future, hindi maiiwasan na mag-isang pamilya ang dalawang pamilyang ito. Kuya Decart’s making his move and who knows who will be next to marry someone from the both family. Basta ang alam ko, hindi si Kuya Decart at Tonette ang huling mag-iisang dibdib sa dalawang pamilyang ito.

“Hey, hey, hey, why don’t we sing the Galway Girl? Gaya no’ng dati. You knew that, Kiara, right? ‘Yong singing game natin dati?”

“Yeah, yeah! I know that one. Sige, game ba? Gustong-gusto ko ‘yong game na iyon, e,” enthusiastic na sagot ko kay Ate Ada.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon