Apat napu't dalawa

936 12 0
                                        

Chloe's POV

"Mommy can I go outside?" I was busy at my room scanning all the papers about the sales and expenses ng botique. Unfortunately, medyo natambakan ako dahil nitong mga nakaraang araw masakit ang ulo ko para mag-isip pa tungkol sa ibat ibang bagay.

"Yes baby, pero make sure wag makulit and mag-pasama ka kay ate okay?" tukoy ko sa kasambahay naming nag aalaga sakanya minsan.

"Yes mommy, just wanna look for fish!" naka ngiti nyang sabi. May mini fish pond kasi sa garden na may mga isda. Madalas syang naglalaro especially kapag ganitong wala syang pasok pero madalas pinapasyal ko sya pero marami akong gagawin ngayun. Si dad naman busy rin dahil sa business nya dahil si Vincent nasa ibang bansa, medyo nagka-conflict ata dun sa investor kaya medyo problemado ang lahat.

I just smiled at him dahil muka naman syang na-excite. Kahit papaano nakikita ko parin ang pagiging bata nya kahit napaka bihira ng pagkakataon na 'yon. Binalik ko ang atensyon ko sa mga papers na naka latag sa harapan ko pero bigla na lang sumagi sa isipan ko 'yong mga pinag-usapan namin ni Mark. Pero bago pa man lumalim 'yun ay may tumawag sa'kin. Si mama.

"Hello ma.."

"Hello anak, nakaka istorbo ba 'ko? Gusto ka lang namin kamustahin."

"Hindi naman ma, medyo busy lang but I'm fine. Kayo po ni papa? Pasensya na ma 'di kami maka-dalaw ah."

"Naku ayos lang. Si Jensen kamusta naman?"

"He's fine ma.. gusto nyo po kausapin?" patayo na sana ako para puntahan si Jensen pero nakita ko si Mabet na papalapit sa'kin narinig ko naman ang pag protesta ni mama mula sa kabilang linya. "Hindi na anak ibababa ko na rin ito at paghahandaan ko pa ng meryenda ang mahal na prinsipe. Haha." narinig ko ang mahinang pag tawa ni mama at napangiti naman ako. Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay at walang nagaalaga pero hindi bakas sa kanila ang pagka lungkot at mukang masayang masaya silang tumanda magkasama.

Forever do exist. At 'yun ang nakikita ko sa kanila.

"Sige anak ingat kayo ng apo ha? Ingat."

"Kayo din ni mama , ingat po." at pagtapos nun ibinaba na ni mama. Nakita ko naman na naghihintay si Mabet na naka tayo at iniintay ako.

"Asan si Jesen?"

"Ah ma'am, kausap po nung lalaki sa ibaba na hinahanap rin po kayo..."

"Anong pangalan?" pagtatanong ko pero hindi ko inaasahan ang pangalan na babanggitin nya.

"Mark daw po.." napatulala lang ako. So gusto nya talagang ipakilala ko sya bilang ama ni Jensen? No way! Bumaba ako at nakita ko ang dalawa at bakas sa kanila ang pagka-close na parang alam nila na mag-ama talaga sila.

Pansamantala akong natulala at pinagmasdan silang masayang masaya, parang ako yung na-out of place dahil sa closeness nilang dalawa. Nakita ako ni Mark at nilapitan nya ako.

"Sana naman payagan mo akong dalawin sya every weekends." Wala akong naging sagot. Naramdaman ko na lang ang pag hawak ni Jensen sa kamay ko.

"Mommy you both know each other na?" Masaya nyang tanong. Hinawakan ko lang yung ulo nya at ngumiti.

"Baby can you go inside for awhile? We just need to talk about, okay?" Ngumiti sya.

"Sure mommy! But... can I... hmm.. play with him later?"

"Later baby..." I smiled at him sweetly.

Tumayo ako at hinarap si Mark ng maka pasok na sa loob si Jensen.

"What are you doing here?" Lumakad ako patungo sa garden para naman masiguradong walang makakarinig sa pag uusapan namin.

P.A. ng Artista *editing*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon