Chloe's POV
Masaya ako ngayun. Masaya ako kasi matapos ng movie nila ay bumawi si Mark sakin. Two weeks na ang nakalipas at ayaw ko mang sumama sa lahat ng lakad nya eh pinipilit nya talaga ako. Markahan ko daw ang pagaari ko. Loko talaga pero sa totoo lang mas naging sweet sya. Hindi ko alam kung paano nya pa ako naisisingit sa napaka-busy nyang araw pero ngayung tapos na lahat ng guestings nya ipinangako nyang lalabas kami at ngayun hinihintay nya na lang ako sa ibaba. Binilisan ko ang pag aayos dahil ayaw ko syang pag-intayin. Dress ang suot ko na may cute na ribbon na hindi mahahalatang pang bata kasi muka akong dalagang dalaga, kulay cream sya. Inilugay ko na lang ang buhok ko na hindi ko pa napapa-gupitan pero straight naman kasi alaga sa shampoo. Nag-dala din ako ng bag at bumaba..
Halos lahat ng 'to galing sa kanya pero pinag hirapan ko rin pala to. Ang hirap kaya mag silbi sa masungit na artista na akala mo laging may period tinalo pa 'ko. Napa tawa na lang ako habang naka harap sa salamin. Hanggang ngayun di ako maka-paniwalang magiging kami.
"You're beautiful..." napa-iktad ako at nilingon ang lalaking naka-silip sa may pintuan.. "Always.." dugtong pa nito. Feeling ko namula yung pisngi ko. Lumapit ako at ngumiti.
Nakita ko naman syang naka V-neck at may dogtag at pantalong maong na medyo kupas at rubber shoes nangiwi naman ako.. dapat pala nag casual na lang ako...
"Nainip ka na ba?" tanong ko.. sa totoo lang maaga pa naman eh para mag gala. Medyo mainit pa nga sa labas eh.
"Hindi.. Excited lang ako.. para naman marami tayong mapuntahan at mabili..." sabi nya habang suot ang sobrang lawak na ngiti sa muka.
"Gusto mo bang mag palit ako ng damit?" tanong ko na medyo nahihiya.
"Why?"
"Masyado kasing pormal..." nakayuko parin ako habang tinitignan ang suot ko.
"Wag na... kahit naman anong isuot mo walang magbabago... Maganda ka parin.." ngumisi sya! Feeling ko tuloy ng bobola lang sya.
"Bolero!"
"Hahaha! Hindi ah!"
"Pero bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko.
"Pangit ba?" umiling ako. Kahit na kupas halata paring mayaman sya at mukang pagkakaguluhan.
"Baka kasi pagkaguluhan tayo.. Ang pogi ko na nga lalo pa akong popogi pag maganda suot ko. Ayoko namang masira ang date natin."
"Ahhh."
"So... Tayo na?" tumango ako at in-offer nya yung balikat nya at niyakap ko naman iyon tapos ay bumaba..
Naka-sakay na kami sa sasakyan nya at nag maneho. Wala masyadong nag pupunta ng mall ngayun sabi nya kasi bukod sa may pasok eh sobrang init pa sa labas at totoo naman ang sinabi nya. Una kaming nag punta sa salon kung saan sya ang endorser. Ako lang ang pinaayusan nya. Hindi kami pinagkaguluhan kasi naka cap sya dito sa loob ng mall at halata kong pinatitinginan sya ng mga nandito habang nagbabasa sya ng magazine ng naka yuko.
"Miss boyfriend mo ba yun?" nagulat ako sa tanong ng babaeng gumu-gupit sakin.
"Uhmmm. O-oo.. Bakit?"
"Ahh. Wala naman parang pamilyar lang... Hindi naman ba kayo nahihirapan?" naguluhan ako sa tanong nya kaya di ako agad naka sagot pero nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Hindi naman imposibleng maka-inlaban ang mayaman at mahirap kaso maraming hadlang di ba? Naku ganyan yung nababasa ko sa mga pocketbook! Pero alam mo bagay na bagay kayo kahit hindi ko pa nakikita ang itsura nya... umm. pak na pak!" napatawa ako. Dapat kasi maaasar ako dahil sa pangingialam nya pero si Mark isipan nyang mahirap? Baligtad ata.. Kaya pala nag disguise sya, pero di naman halatang mahirap sya eh. Hays.. mga tao talaga mapang-mata.

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter