P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang-pito
Pagtapos namin kumain ni manang Linda pinag pahinga ko muna si manang dahil alam kong napagod at ako muna ang gumawa ng ibang gawain. Nakakatuwa si manang kasi kahit matanda na nagta trabaho pa rin para daw sa mga anak at apo nya. Oh diba? Ansipag. Pero sila mama kahit walang trabaho nagagawa pa rin nila ako suportahan! Kaya bilib ako sa kanila e... Kahit naman sinong anak siguro kung hindi naman pinapabayaan.
Naisip ko tuloy kung paano lumaki si Mark kjng gayong umalis ang mommy nya. Naging masaya kaya sya?
Kakatapos ko palang mag ayos dito sa kwarto ko. Pinalitan ko yung bed sheet. Simula kasi nung dumating ako dito hindi ko pa napapalitan. Baka isipin pa nun ni sir Mark ang dugyot ko alam nyo naman yun talo pa babae sa kaartehan. Ganun ba pag artista? Pero ok na yun nahahawa ako ng kalinisan sa katawan.
Masaya talagang sumayaw-sayaw habang naglilinis no? Tapos rock pa yung tugtog! Palong-palo nakakagana! Masyado ba akong isip bata sa edad ko?
"Hoy." Ang sarap talaga sumayaw tapos mag head bang ba tawag dun tulad nung mga napanuod ko sa tv na mga mukang adik pero cool.
"Hoy" Sobrang saya pala maglinis. Aaraw arawin ko na nga ang paglilinis pag walang taping yung amo ko. Sana ginawa ko na 'tong passion noon pa. Habang nagpupunas ako biglang namatay yung tugtog. Napalingon naman ako.
Isang naka poker face na Mark ang nakita ko. Ano nanaman bang kelangan neto? Nakita nya kaya yung ginagawa ko? Oh noes!
"Muka kang tanga. Kanina pa 'ko dito tinatawag ka. Pero ewan ko kasi parang natanggal yata yung eardrums mo sa sobrang lakas ng tugtog mo." Kita mo 'to. Nakasara naman yung pintuan ko ah.
"Ano pong kelangan mo sir Mark?" mabait kong tono. Kelangan mong magtino kasi kawawa naman sya takot na nga sa kidlat at kulog tatarayan mo pa. Isip-isip ko. Napahagikhik ako.
"Anong tinatawa tawa mo? Muka kang may masamang balak. Itigil mo nga yan. Samahan mo nga pala ako mag jogging sa labas. Para pag dinumog ako ikaw pansangga ko," Sabi pa nya sabay lumabas.
Anong oras na ba? 4:30. Ang arte maghapon na nga syang nag papalaki ng katawan di pa nakuntento. Pero ano pa nga bang magagawa mo Chloe? Kaya nag bihis ako ng jogging pants. Hindi na 'ko naligo. Haler pagod ako tapos papawisan din naman ako.
Pagkalabas ko naka sumbrero sya tapos fit na fit ang suot. Kahit di sya makilala mapapalingon talaga sakanya..... Wait. Ang ibig kong sabihin.... Sige na nga macho na sya! Machong takot sa kidlat! Pag naiisip ko yon di ko maiwasang tumawa.
"ARAAAAAY" pinitik nya yung noo ko yung malakas ha?! Lalaki parin sya kaya sobrang sakit.
"Ano bang kasalanan ko?! Bakit namimitik ka na lang bigla? Anshakit!" hinimas ko pa yung noo ko. Masakit talaga e.
"Kanina ka pa kasi nakangiti. Nakakatakot ka para kang may masamang balak. Lika na." lumabas na sya at sinundan ko.
"Sabagay.. Marami ka nga palang kinatatakutan. Hmmm. Di ko na nga uulitin yon," kunwari nag iisip ako para ma open lang yung topic about dun sa kinatatakutan nya.Sigurado pag may ibang naka alam non matatawa din unless they heard about the reason.
"Tigilan mo nga ako" papasakay na sya sa sasakyan.
"Teka akala ko ba mag jo-jogging bakit ka sasakay sa kotse? May nag jo-jogging bang naka sasakyan???" pagtataka kong tanong.
"Sa park tayo mas malawak don,"
"Ahh. Sa bagay." sasakay na sana ako sa likuran ng...
"Hoy saan ka sasakay?!"

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter