Warning: Medyo SPG
Tulad ng naisip ko kahapon nag paiwan ako dahil parati na lang walang kasama dito si manang. Paulit ulit akong tinanong ni Mark kung sure daw ba ako sabi ko oo kasi work shop pa lang naman nya. Sumang ayon naman sya.
"Hija bakit nag paiwan ka ata ngayun?"
"Palagi ka po kasing walang kasama at isa pa wala pa gaanong ginagawa si Mark... Work shop pa lang po."
"Ahh... Alam mo Chloe?"
"Ano po iyon manang?"
"Natutuwa ako na naging kayo ni Sir Mark. Hindi naman ako nagtaka kasi hindi naman tlaga bagay sayo ang maging PA kaya una pa lang naisip ko na nabagay kayo... Kaso noong una para kayong aso at pusa pero nakakatuwa kayong tignan."
"Haha. Salamat manang.. Masyado po kasi syang masungit noon sakin.. Pero pusong mamon rin pala." humagikhik ako
"Buti naman nalaman mong mabait din sya. Sana katulad ka din mg anak ko na nakikita ko ang bawat galaw o kung ano ba ang ginagawa nya sa araw araw... Pero ito.. yang si sir Mark ngayun ko lang uli nakitang kuminang ang mata." tumawa si manang habang nagbabalat kami ng sayote. Balak kasi namin na mag tinola.
"Manang?"
"Bakit?"
"Hmm. May kilala po ba kayong naging girlfriend ni Mark bukod saakin?"
"Yoon ba? Hindi sya madalas nag kkwento ng ganyang bagay... Ang madalas eh sa magulang nya kasi sakin nya lang nakita ang pagiging nanay. Pero wala pa naman syang dinalang babae dito bukod dun sa Vaness ata yun at ngayun si Trisha.. Bakit mo natanong?" biglang tumalas ang pandinig ko ng marimig ko ang pangalang Vaness. Malamang iyon si Vanessa. Ayoko mag selos.. Nakaraan na yon eh. At ayokong mag away kami dahil doon.
"Ahh. Wala naman po. Ano pong balita nyo doon sa Vaness?"
"Ang huli kong rinig eh nasa Amerika na iyon. Alam mo kasi yoon ang naging love team nya noong 15 pa lang sya. Ako pa ang PA nya noong araw na yon.. Pero ngayong mahina na ang katawan ko hindi ko na kayang mag puyat at mag punta kung saan saan. Tingin ko nga may crush yoon dati ni Mark eh." natigil ako sa pag babalat ng sayote. "Ayos ka lang hija?" nagaalalang tanong ni manang. Tumango lang ako.
"Pero matagal na iyon... Gutom ka na ba? Lutuin na natin at malapit na mag tanghalian." tumango ako.
Tama si manang matagal na yon kaya dapat di ko na yon isipin. Ako na ang nag luto at nag timpla hinayaan ko si manang mag timpla. Nung naghihiwa ako ng luya bigla ko na lang natamaan yung daliri ko at nag dugo iyon. Hindi ko alam kung bakit kaya si manang na lang ang nag patuloy.
Naging mabagal ang araw na iyon para sakin. Pagka hapon nilinis ko lang ang swimming pool at nag linis sa may garden. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak pero hindi ko magamas yung mga damo kasi ang hapdi parin ng sugat ko. Medyo malaki rin ang hiwa pero hindi ganoon kalalim. Medyo dumidilim na at inaaya na ako ni manang kumain pero tumanggi ako. Gusto ko lang intayin si Mark at hindi naman ako nabigo kasi agad din itong dumaring. Niyakap ko sya at mukang medyo pagod na sya. Inaya ko rin syang kumain pero kumain naman na daw sya. Tinanong nya rin ako pero sinabi ko na lang oo dahil ayokong kumain ng mag isa.
"Sobrang napagod ako mahal.." ipinatong nya yung ulo nya sa hita ko at ipinikit ang mata. Agad ko namang hinawakan ang noo nya at minasahe iyon.
Ngayon mas natitigan ko ng malapitan ang kanyang perpektong muka para sakin. Hindi naman ako mgtataka kung bakit sya naging artista. Pinaglaruan ko yung buhok nya na tumatama sa mata nya. Hinimas ko din yung makakapal nyang kilay pero parang inahit pero hindi naman. Hinawakan ko rin yung ilong nyang matangos hanggang napatitig ako sa maninipis at mapupula nyang labi. Tinitigan ko lang iyon...
"Wanna kiss me?" napaiwas ako ng tingin ng madalian.
"H-huh?! Hi-hindi! Akala ko kasi tulog ka na.."
"Kaya gusto mo akong halikan? Okay lang naman sakin.. Pampatanggal din ng pagod." tinignan ko ulit sya at muli syang pumikit. Hindi ko na lang ulit sya pinansin. Nakaka bingging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Muli kong idinampi ang kamay ko sa muka nya pero agad nya itong hinawakan at agad ko itong binawi dahil sa sakit.
"Aray ko Mark.." napa bangon sya.
"Why?" may pag alala sa tono ng boses nya
"Nahiwa lang ako kanina... Wag ka mag alala sugat lang to." hinawakan nya iyon at idinikit sa labi nya. Napa ngiti ako ng bahagya sa ginawa nya.
"Next time be careful okay?" tumango lang ako at ngumiti.
"Matulog ka na maaga ka pa ata bukas." tahimik lang sya at walang imik.
"Mahal ko?"
"Andami mo namang tawag sakin?"
"Gusto ko kasing itry lahat kung ano ang bahay.. at sa tingin ko mahal ko na lang kasi mahal kita." tumawa lang ako at ipinatong ko muli yung ulo nya sa lap ko.
"Ano may sasabihin ka pa?"
"Yeah... Pinag iisipan kong mag back out na lang at mag aral.."
"Ano namang nagpabago sa isip mo?"
"Wala naman.. Feel ko lang na yun ang dapat.."
"Wag ka ng umatras. Andyan ka na eh. Nasimulan mo na kaya dapat tapusin mo.. Isa pa sabi mo matagal mo na yung hinihintay?" tumango sya. "Go lang! I'll support you naman!"
"Salamat Mahal ko." ngumiti ulit sya kahit naka pikit. Nakita ko ang kurba ng mga labi nya at bawat makita ko iyon ay parang may nag tutulak sakin na halikan iyon.
"Mark can I kiss you?" tanong ko out of the blue. Shucckks. Naaddict na ba ako sa malalambot nyang labi? Naramdaman ko ang hiya ng hindi sya agad umimik.
"Bakit ka pa nag papaalam?"
"A-ah. Wala. Hm kasi pagod ka."
"Mas kailangan ko nga iyon eh." pagkasabi nyang yon ibinaba ko yung ulo ko at nalaglag naman yung mga buhok ko na naging dahilan para maging kulong ang muka naming dalawa.
I kissed him passionately and he kiss me back. Kakaibang sensasyon na naman ang gumagapang sa buo kong katawan at hindi ko maipaliwanag ang dulot nito sakin. Lumalim ang halik nya at hindi ko namalayan ang pagkakapalit ng posisyon namin. Ako na ang nakahiga at nasa ibabaw ko na syang patuloy na humahalik ng dahan dahan. Dumaloy ang halik nya sa pisngi ko papunta sa aking tainga. "I want you so bad Chloe.." napapikit ako sa ginawa nyang iyon. Para akong nilulunod sa kaligayahan. Hindi ako mimik pero dinidikta ng katawan ko kung ano ang gusto ko. Bumaba ang halik nyang iyon mula sa aking leeg at dama ko ang bawat pag hinga nya. Dahan dahan lang ang bawat galaw na parang ninanamnam ang bawat sandalagi. Bumaba ang halik nya sa aking mga dibdib na ngayun ay walang harang kundi ang aking pantulog. Hinalikan nya iyon pero hindi nya tinangkang buksan. Naramdaman ko ang kamay nya sa pagitan ng aking mga hita at otomatik ko itong ibinuka.
Panigurado akong parehas kaming lasing sa ibinibigay namin sa bawat isa at alam ko sa sarili ko na bumigay na ako. Gusto ko ito at alam kong hindi ito ang unang beses. Natigil ang paggalaw nya sa iba at binigyan nya lang ko ng halik sa aking labi.
"I almost there mahal ko... I respect you. I love you. Let's sleep?" nawala ang sensasyong iyong at natauhan. Mabuti na lang at napigilan nya ang sarili nya pati na rin ako. Niyakap nya lang ako at parehas kaming nakatulog sa bisig ng isa't isa.

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter