P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang-lima
Matutulog lang naman pala dito eh. Teka, ano daw?
Ganun ba? Bakit kasi? Takot ba sya sa kulog at kidlat? Biruin mo yun. Ang alam kong Mark, na isang mayabang, na akala mo walang kinatatakutan. Takot lang pala sa kidlat? Hahaha. Gusto ko sana syang tawanan like... Seriously? Takot ba talaga sya sa kulog? Di bagay. Out of curiosity natanong ko.
"Bakit?" Nahinto ako sa pagpunas ng buhok ko.
"Please???" Sobrang amo ng muka nya na parang nalimutan kong mayabang nga pala to. Di ko matanggihan, bahay nya 'to eh.
"O-okay.." Pinatuloy ko sya.
Sa baba nanaman ako matutulog. Makapaglatag na nga. Nakakaantok yung panahon eh.
"Dyan ka matutulog?" Gusto ko syang sungitan. Saan pa ba? Eh sa kama ko na sya humiga at nagkumot agad. Kung di lang nagmamakaawa yung muka nya eh. Tumango ako.
"Wag!---Uhh. I mean, malamig baka magkasakit ka. Dito ka na lang, malawak pa naman yung space and besides... wala naman tayong gagawing... uh.. masama eh."
Hindi ko alam kung anong ma fe-feel ko. Tumango na lang ako at nahiga. May space sa pagitan namin.
Hindi ako makatulog. Oo hindi, magkatalikuran kami ni Mark. Hindi awkward pero sa tuwing kukulog, napapagalaw sya at hindi ko alam kung bakit. Naiihi na tuloy ako. Tumayo ako para magbanyo, mukang di ako makakatulog neto eh.
"Where are you going?" Hala gising pa pala sya? So ibig sabihin nun takot talaga sya sa kulog at kidlat?
"Ahh. Pupunta ako sa labas dun matutulog." Maasar nga 'to. Hindi naman agad sya nakaimik. Ayaw din ipahalata na takot eh.
"Joke lang! Haha. Magsi-CR lang po," Ayun lumabas ako at pagbalik ko naka upo sya at nakasandal sa headboard ng kama.
Mukang di naman sya makakatulog, maitanong na nga lang kung ano ang dahilan nya. Nakatulala lang sya at walang kibo. Naupo ako sa kama.
"Pst" Tawag ko sakanya at napatingin naman sya sakin.
"Bakit di ka makatulog? Tapos parang... tuwing kukulog di ka mapakali?" Di pa rin sya naimik. Hala lagot. Si Mark ba talaga itong nasa harap ko? Hindi kaya... oh no! Sabi kasi nung iba sa mga kwento kwento may mga spirit daw na nang gagaya ng katauhan pero pagkinausap mo hindi nagsasalita. Doppelganger?!
Sa kaba ko dahil sa naisip ko nagmadali akong pumunta sa kwarto nya. Ang creepy. Grabe ayoko ma experience yung mga ganung bagay! Big NO!
Pero pag bukas ko ng pintuan wala. As in wala. Nakita ko lang ay isang kama na may gulo gulong kumot at unan. Tapos isang headphone na.. malaki? Di kaya nakakabingi yun. Pero pabalik na sana ako para kumpirmahin pagharap ko may lalaking nakatayo sa harap ko. Napasigaw ako. Mamamatay tao kaya 'to?
"AHHHHHHH--MMMMM" Tinakpan nya yung bibig ko gamit ang kamay nya at dinala sa kwarto.
"Ang ingay mo. Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko?"
Nagsalita sya? Nagsalita sya!
"Mark? Sir Mark? Ikaw na ba yan?" Kinapa kapa ko pa yung mga abs nya este yung katawan nya para malaman kung sya nga ba talaga yung nasa harap ko.
"Oo bakit? Bakit nagmadali kang pumunta sa kwarto ko. Akala ko kung anong problema," Medyo mahina yung boses nya.
"Akala ko kasi... Ah. Ano. Akala ko nawala na yung totoong Mark. Hindi ka kasi nagsasalita eh. Siguro takot ka sa kulog at kidlat no? Kaya gusto mo magpasama?" Tukso ko pa sakanya. Nakita ko naman ang reaksyon ng muka nya bukas naman kasi yung ilaw. Muka pa syang namutla. Somehow I felt sorry for him hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter